Chapter 31: Present vs. Present

202 18 0
                                    

Chapter 31:

Present vs. Present

Jin

"Canteen muna tayo treat ko." Pagyaya ko kay Clow. Tumango sya at hinampas ako bigla sa balikat ko. "Psh! Akala ko naman kung saan mo na ko dadalhin!" La? Ano bang nasa isip nya?

Nag evil grin ako, "Aha! Bakit saan mo ba naiisip kung saan kita dadalhin? Wala akong balak 'no!" Pang aasar ko pa. Hinampas na naman nya ako, "Encyclopedia ka talaga! Like bakit dito pa sa parking sa likod tayo dumaan? Wala bang pintuan yung gym?" Sarcastic nyang tanong.

"Bakit? Kaya mo bang dumaan sa crowded na mga tao huh? Ang dali mo ngang himatayin 'e." Sagot ko pabalik sa kanya. "May hika kasi ako diba?" Eksaktong pagkasabi nya napaupo sya bigla sa isang gilid.

Tumakbo naman agad ako sa direksyon nya at mabuti naalalayan ko agad. "A-ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Ayaw kon g maulit yung nangyari one time dahil sa mismong kagagawan ko din yun.

Ayoko na talaga may trauma na ko, "Uhh okay na ko. . . medyo nahilo lang." Sagot nya naman. Aish, "Kumain ka ba ng almusal?" Tanong ko habang inaalalayan ko sya patayo.

Ngumiti sya saba'y peace sign. "Aish! Bakit hindi ka na naman kumain ng agahan? Ano bang ginawa mo?" Oo nag-aalala talaga ako. Nag pout sya, "'E.. tinanghali ako ng gising 'e, hehe. " Sabay wild smile sa'kin.

Tinignan ko sya ng masama sabay face palm. Hinila ko na talaga sya, "Kahit kelan ka talaga. Halika na nga ililibre na kita! Buti sakto lang punta natin. Pano nalang kung 'di ako nagyaya kanila ka pa pala nagugutom? Hay na ko, 'wag na wag mo ng uulitin yun ah!" Pinagsabihan ko sya ang kulit kasi.

"Sermon? Oo! Magandang almusal yan. Salamat ah! Pero sino kaya yung nagpumilit pang makipag-skype sa'kin? Kahit na kagagaling lang namin sa hospital 'no?" Napakamot naman ako sa ulo ko ayan sabay pasa sa'kin 'e!

"H-hoy! 'Wag mong ipasa bigla sa'kin! Sa susunod kasi kumain-kain ka ng agahan ah? Para ma-maintain mo 'yang sipao look mo." Tumigil ako sa harap nya at bahagyang pumantay sa kanya sabay kurot nung ilong nya.

Haha! Ang cute ng reaksyon nya parang bata. "Siopao ka dyan? Hindi naman 'e!" Sabi nya sabay hawak sa magkabilaang pisngi nya. Umakbay ako sa kanya nang sa kabila ng paglalakad namin.. nagulat ako ng may biglang kung sinong pumulupot dito sa braso ko.

"S-sino ka ba? Tabi nga!" Sigaw ko napatigil si Clow sa nakita nya at parang nanigas na sa kinatatayuan nya. Sinundan ko naman ng tingin yung direksyong tinitignan nya..

"Rina?"

Saba'y na pagkakasambit pa namin. Sinagot nya lang kami ng isang maaliwalas at malaking ngiti. Bakit sya nandito? Kelan pa sya bumalik? Bakit parang biglaan at ang bilis ng mga pangyayari?

Agad na din naman kaming nakapasok sa may loob ng canteen. Nagsimula na kaming pagbulungan at pagtinginan ng mga tao. Hindi ako komportable. Hindi rin ako makagalaw sa kinalalagyan ko.

Hindi ako komportable sa pagkakahawak sa'kin ni Rina. Sadyang nabigla lang din ako. Umupo na kaming tatlo at dahil sa nakapulupot nga 'tong girlfriend ko sa'kin kami ang magkatabi si Clow naman ang nasa harapan ko.

Na kasalukuyang nakatingin sya sa may baba at hindi nagsasalita. Sobrang awkward naming tatlo. But still we are covered by the silence.

Bakit naman kasi kung kelan ako nag confess (kahit mali) sa kanya dito naman agad dumating yung girlfriend ko?

Ano ng gagawin ko? Tanga mo kasi Jin! Kakatapos ko lang ayusin yung mga gusot kahapon may aayusin na naman ako? Suki na ba talaga ako ng mga problema?

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon