Chapter 12: Lagot na!

288 21 4
                                    

Chapter 12:

Lagot na!

Cloe

As usual hinatid nanaman ako ni Jin sa bahay. Dating gawi, likas narin ata sa kanila yung dugong gentleman eh. Naks. "We're here." Natauhan nalang ako ng bigla syang nag-salita. Naka iglip pala ako habang naka earphones. Haba din kasi ng byahe eh. . . past 8:00 pm narin.

Lumabas si Jin sa kotse at pinagbuksan nya pa ko ng pinto. Wow naman, feeling prinsesa ang peg ko pagkasama ko sya. "Pinagbuksan mo pa ko, nakaka-hiya. Kaya ko na,'' Ngumiti naman sya sakin.

"I know, malay ko ba kung nasa dreamland ka pa?" pagbibiro nya saakin. Tinignan ko sya simula ulo hanggang paa. "Gising na ko." Mataray pero pabiro kong sabi. 

"Gabi na din 'o, thank you sa pag hatid saka sa--" 

"Date? Haha! Sure. . . you're welcome." 

May pakindat-kindat nya pang sabi. Date? Hindi ba sya nahihiya sa pinagsasabi nya? Aba ang kapal nya ah? Para sakin libre lang 'yun. "Kiddin." Bigla naman nyang bawi. 

"Whatever, ingat ka." Sabi ko sa kanya. "Uy, care sya." Pabiro nyang sabi. Aba malamang care ako? 'E pano kung may mangyaring masama sa kanya? Edi ako ang sabit, ako huling kasama eh? Tsk. 

Pumasok na sya sa loob ng kotse nya at nag b-bye na sya sakin. Papasok na ko sa loob ng bahay ng tinawag nya ko. Bigla nyang binuksan yung bintana. "Sweet dreams. See you bukas!" Masaya nyang sabi.

Nag wave-back nalang ako sa kanya. Nang papasok na ko. Nagulat ako ng may nagsalita. "Ang sweet nyo naman," Hindi ko parin nakikita kung sino yung nagsasalita. Nakatalikod pa ko kasi sinasara ko yung gate.

"Anong oras na? Sabi mo hindi ka gagabihin?" 

Lagot na! 

Hindi ako pwedeng magkamali na si kuya 'to. Humarap na 'ko. . . patay si kuya nga. I'm so dead, hindi ko papala na papaalam na hindi yung mga kaibigan ko kasama ko.

"8:00 o'clock na kuya," Sabay turo ko doon sa wall clock. "Psh. Pilosopo." Matipid na sabi ni kuya. Hindi ako pilosopo malay ko 'ba kung nakatingin na sya sa wall clock bago nya ako tanungin, tsk.

"'Di ba sabi ko sa'yo, 'wag kang magpapagabi?" Maangas na tanong sakin ni kuya. Nakaka takot sya,huhu."Sorry kuya, traffic kasi." 

"Bakit saan ka ba galing?" Tanong naman agad ni kuya. Ano hot seat ako dito ganon? "MOA," matipid kong sagot habang tinatanggal ang suot kong sapatos. 

"Sino yung kasama mo? Boyfriend mo?" 

Nakangiti na maangas na tanong nya parin. Seriously? Ngayon talaga kami magtatanungan? Inaantok na ko eh, geez. "Kuya pwede ba? Not now." Tumalikod na ko sa kanya saka aakyat na sa taas. 'E sa pagod ako 'e, sareh.

"Bakit hindi pa ngayon? Kala ko ba mga kaibigan mo kasama mo? 'E bakit parang nakipagdate ka lang?" Talak nya sakin. Date? Porket lalaki lang kasama date na agad? Srsly? 

"He's not my boyfriend nor friend. Okay na?" 

"Hindi mo naman pala kaibigan eh? Ba't kasama mo? Kilala mo ba yun? Saan? kung kani-kanino ka nalang sumasama?!" Sigaw nya sakin. Anong meron? Protective much lang? Ang exaggerate ng reaction huh?

"He's my classmate only! Ano bang meron kuya?!" Napasigaw narin ako sa kanya. Can't help nadala na lang din ng emotion. "Classmate?! Kaya pala ang sweet nyo kanina."

So hindi nga talaga akong nag-kamali/ namalikmata na si kuya yung nakita ko sa mall kanina. "Kuya please. We need to rest, it's been quarter na rin ngayon 'o," Umakyat na'ko sa taas. Hindi ko na pinansin si kuya, wala narin namang patutunguhan yung pag uusap namin.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon