Chapter 34: In the Other Side

141 17 0
                                        

Chapter 34: 

In the Other Side

Cloe

Natapos na yung game kanina wala pa rin pala talagang kupas 'tong si Kuya maglaro. Kahit na wala si Ate Cassey na inspirasyon nya, at east pinakita nya pa rin yung best nya.

Lahat na dito nagdidiwang, sobrang lakas ng hiyawan, ng tugtog, ingay saka malalakas na cheers at background music. Kaso parang hindi pa rin ako masaya? Parang may kulang ganon? Hindi naman kaya. . .

Na g-guilty ako sa nangyari kaninang umaga?

Unting-unti naglalabasan na ang mga tao, tanging grupo lang namin dito sa gilid ang natira habang tawa pa rin ng tawa. At si Jin na nakaupo doon sa may isang gilid. Naaawa ako sa kanya.

Kahit anong pagmamatigas ko na hindi ko pansinin sya. Ayun naman ang pinagpipilitan ng isip ko na kung gaano ko na sya na mi-miss at gustong i-comfort ngayon.

Kaso iba na kasi talaga ang takbo ng mga buhay namin. Pinili namin maging ganto tipong, hiwa-hiwalay, payapa at parang kinalimutan nalang yung mga nangyari.

Bakit ga'non? SSimula nung nawala na sila ni Kevin sa grupo umayos at bumalik na ulit sa dati ang lahat?

Sila ba yung dahilan ng gulo noon?

Nakakalungkot isipin pero...

"Totoo."

Natauhan ako ng magsalita 'tong si Aubrey. "Totoo ang alin?" Confused kong tanong, bago man nila ako sagutin tinignan muna nila ako ng may pag-aalala sa itsura nila.

"Okay lang ako," Sambit ko dahilan na makahinga sila ng maluwag. Umupo muna kaming lahat dahil sa kadahilanang pagod kaming lahat kakatili. At pati na rin yung mga boses namin pagod na.

"Sabi namin totoo talagang magaling si Kuya Aeign kumpara kay Jin." Pagpapatuloy pa ni Blessie. Tumango naman ako sa sinabi nila nabalot kaming lahat ng katahimikan.

"Miss mo na sya 'no?"

Marahan kong inangat ang ulo ko sa nagsalita---si Amy. Ngitian ko lang sya at kalaunan tumabi din naman sya sa may pwesto namin. "Ikaw na nga't nagsabi na hindi mo na sya kilala, pero bakit na mi-miss mo pa rin?"

Actually Amy, minsan napapansin at naiisip ko din yan 'e. Lahat kami pinili na 'tong kalagayan namin. Pero bakit parang hindi ko pa tanggap ang lahat?

"Alam mo Clow, lahat tayo nahihirapan dito 'e. Sa tingin mo tanggap namin na kulang-kulang na tayo? Syempre hindi rin, pero kailangan mo ng tanggapin na iba na ang lahat," ni-tap ni Lance yung likod ko. "Tanggapin mo na.."

Tanggapin? Oo siguro dadating din ako dyan pero kahit na ba alam kong hindi pa 'to yung tamang oras 'e. Kahit na ang sakit ng mga sinabi nya sakin noon? Siguro mas nangingibabaw pa rin talaga yung mga joy na nadala nya sa'kin?

Kaya mas tumatak sa'kin ngayon. "Si Jin doon sa may gilid 'o nag-iisa. Bakit kaya hindi pa yun umaalis?" Tanong ni Blessie sa'ming lahat habang nakahawak pa rin sa fries nya.

Lahat kami tinignan yung direksyon na 'yon nakatungo sya, pawis na pawis habang nakahawak din sa ulo nya. Pagod na pagod na siguro sya 'no? Alam kong sabay-sabay lahat ng problemang dumadating sa kanya, kaya siguro 'di rin sya nakapaglaro ng maayos kanina.

Samahan mo pa ng mga pasa at suntok na binigay sa kanya ni Kuya. Kahit na nagmamatigas ako dito sa sarili ko, nahihirapan at naawa din naman ako. Hindi naman talaga ako nag bago...natuto lang.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon