Chapter 42: Unforbidden Love

166 17 0
                                    

Chapter 42:

Unforbidden Love (Last Chapter)

Cloe

After 1 month

"Kinakabahan talaga ako, Jin." Sabi ko sa kanya habang nakatingin dito sa may baba. Nandito kaming dalawa sa may field. Practice kasi namin ngayon sa may graduation.

Sobrang bilis lang ng panahon-- isang bwan na rin pala kami.

At bukas na yung graduation. 'Di ko maisip na sobrang bilis ng panahon at sa isang araw lang na 'yon magkakawatak-watak na kami.

Hinawi nya ang mga ilang hibla ng buhok ko at tinignan ako ng diretso sa mga mata ko. "You don't have any reason to be worry for. Akong bahala sa'yo, okay?" Sabi nya habang nakahawak sya sa may kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya, pero hindi pa rin maalis yung pag-aalala ko. "P-pero diba---" Hindi na nya pinatapos yung sasabihin ko ng bigla nya akong ni-kiss sa noo.

"Diba ano? Sige nga sabihin mo." Hindi ako nakapagsalita. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya. "'O diba hindi mo masabi? Alam ko na 'yang nasa isip mo. Kung ayun lang yung inaalala mo. Ano pa palang silbi ko? Hindi ba?"

Napaisip din ako sa sinabi nya. Tama nga sya. Nakakahiya parang naging dating naman nun e, pinapamukha ko na wala akong tiwala sa kanya. "Sorry." Sambit ko.

Umiling sya sabay gulo nung buhok ko. "Tsk. Wala 'yun anu kaba. Tara na nga basta wag mo ng iniisip yun ha? Akong bahala." Ngumiti sya sa'kin. Tumango nalang ako. Sa kabila ng paglalakad namin papunta pabalik sa may gym. Tahimik pa rin ako at may hindi kaming inaasahang makakasalubong.

Nakatayo sila sa may harapan namin. Dahilan na matigil kami sa may paglakad. Napatingin sila sa pagkakahawak namin ng kamay ni Jin. Hindi dahil sa takot ako sa kanila.

Pero bakit ako biglang kinabahan? May kutob ako na baka may mangyaring masama. Tinignan ko si Jin. Nakasimangot. At parang sa itsura nyang 'yon sirang-sira na yung araw nya dahil sa nakita nya.

"Holding hands while walking?"

"Holding hands while walking?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinaasan ko sya ng kilay. Ano namang ibig sabihin nya? Akala ko nabura na sya sa mundo, buhay papala sya? Ay hindi pala sila pala. "Then?" Walang emosyon na tanong ni Jin.

Sabay tingin din sa'kin, nagkibit balikat nalang ako. At pinili pa 'ring matahimik. "Uhhh nothing.. may sinabi ba kaming masama?"

"Ano ba kasi talagang gusto nyong sabihin o palabasin? Nagmamadali kami.. kaya pwede ba ayokong nasasayang lang yung oras namin sa wala."

Inis na sambit naman nitong ni Jin. Hinagod ko nalang yung likod nya bilang pagpapakalma. Lumungkot yung mukha nung dalawa sa sinabi ni Jin. Oo to be honest masakit nga yung sinabi nya.

Pero may rason naman 'yun kaya nya nasabi 'yon. Alam kong alam nya sa sarili nya na se-sense nya na na may maaring masamang mangyari. Naiintindihan ko.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon