Chapter 23: #Trending

219 20 3
                                    


Chapter 23:

#Trending

Cloe

Napanaginipan ko raw si Jin? Hindi ko nga alam bakit sa dinami-dami pa, 'e sya pa yung napanaginipan ko? Hindi ba sabi nila... kapag may isang tao ang pumasok sa panaginip mo.. its either iniisip mo sya, 'o iniisip ka nya? Iniisip nya kaya ako?

Okay asa ka naman Cloe. Naalala ko pa nga na kesyo gumawa raw sya sa'kin ng surprise. Kinuntsaba na raw yung buong tropa. Ang saya na nga 'e. Sana hindi nalang talaga ako nagising sa panaginip na 'yon.

Sobra saya lang kasi sa feeling. First time ko lang maranasan kung paano ang ma-surprise?

Kaso sa panaginip nga lang. . .

Syempre nakaka turn on din yung lalaki na mag e-effort talaga sa'yo. But I'm not saying kay Jin ako literal na turn-on, pero sa mga taong katulad nya lang (sa panaginip ko).

Hindi 'ko alam kung bakit ang aga-aga nambulabog nun nila Kevin sa bahay? Nagising ako sa tatlong malalakas na kalabog ng pintuan ko. Oo kalabog na talaga hindi na katok.

Nakakahiya nga 'e, sumugod pa sila mismo sa kwarto ko at sila pa yung nanggising. Hindi rin naman kasi ako na-orient na pupunta pala sila dito.

*flashback*

''GOOD MORNING!'' Napatayo naman ako ng 'di oras sa kinahihigaan ko. Nanlaki yung mata ko sa mga nakita ko kinusot-kusot ko pa 'yun baka sakaling nanaginip pa ko. Kaso hindi naman pala.

B-bakit sila nandito? ''Hoy! Ba't nandito kayo? Anong ginagawa nyo dito?! Pa'no kayo nakapasok?'' Gulat at sunod-sunod na tanong ko sa kanilang lahat na sa kasalukuyang nakatakip pa rin ako ng kumot tanging mata lang yung nakikita nila.

Tumawa naman silang lahat pero mas nangibabaw naman yung tawa ni Kevin. Nagsalubong naman yung dalawang kilay ko sa ginawa nya. May nakakatawa na ba sa sinabi ko? ''Hoy anong tinatawa-tawa mo dyan?''' Sarkastiko kong tanong sa kanya saba'y hagis nung unan.

Kaso 'di sya tinamaan kasi nakaiwas agad dahilan na magtawanan ulit sila. ''Di'ba tinatanong mo kung saan kami dumaan?'' Natatawa nya pa 'ring tanong sa'kin. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tumango. ''Malamang sa pinto,'' pang-aasar nya pa saba'y turo sa direksyon nung pintuan.

Napa-face palm nalang ako sa sinabi nya at nagtawanan ulit sila. 'E sa malamang alam ko na sa pintuan dumadaan. Hays, common sense pre,''I mean pa'no kayo nakapasok?'' Lumapit naman si Blessie sa kama at tumabi sa'kin dahilan na umurong ako at umiwas sa kanya.

Nakakahiya kaya.! ''Binuksan namin yung pinto?'' Tanong nya din. Agang-aga ang gaganda ng sagot. Sinamaan ko naman sila ng tingin ni Kevin. Tumayo si Blessie at nag apir pa silang dalawa. Bagay nga kayo. ''Bakit kayo lang--kulang?''

Lima lang kasi sila ngayon. Na'san kaya yung iba?

Nag smirk silang lahat sa'kin yung parang may gustong ipahiwatig yung mga ngiti nila 'yun? Napataas naman yung kilay ko sa ginawa nila. ''Bakit na m-miss mo na ba si toot?'' Nakangiting tanong sa'kin ni Aubrey. Napakamot naman ako sa ulo ko sa tanong nya.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon