Chapter 24: His Brother Side

223 20 1
                                    


Chapter 24:

His Brother Side

Cloe

Habang nag d-discuss si Ma'am sa unahan ito ako tulala at lutang. Hindi ako mapakali na ewan. Dahil siguro sa sobrang kaba? Pa'no ba naman kasi, malapit na yung practice namin for int rams. It means the BIG day was going to happen!

''Huy! Anong nangyayari sa'yo? Nakatulog ka ba ng maayos?'' bulong sa'kin ni Aubrey. Napaayos ako ng upo at umiling-iling ako saba'y tungo ulit sa desk ko. Wala talaga ako sa mood ko ngayon.

Ugh, ''Nakatulog naman. . . kaso argh,--' tinatamad kong sabi saba'y gulo ng buhok ko. Agad akong napaayos ng upo ng... ''Ms. De Leon is there something wrong?'' narinig kong boses ni Ma'am.

Napakamot ako sa ulo ko saba'y ngiti nalang sa kanya. Awkward, ''Ah M-ma'am! W-wala po, wala talaga sorry,'' nahihiya ko pang sabi. Ngumiti tsaka lumapit sa pwesto ko si Ma'am. Nakakahiya talaga! Nakaistorbo pa ko sa discussion. Geez, Cloe.

Tumingin ako sa direksyon nya dahilan na mapatingala ako, '''Wag kang mahiya magsabi may sakit ka ba? You can go to the clinic anytime just tell me,'' nakangiti na sabi ni Ma'am saba'y tap sa balikat ko.

''Ma'am wala po akong sakit. Sorry po talaga,'' ayan nalang ang nasabi ko. Wala nalang rin akong nagawa kundi sa buong oras na 'yun, pinilit ko nalang makinig. Kahit walang pumapasok talaga sa isip ko.

Buti nalang natiis ko yun at tamang-tama kakatime lang, ''It seems wala ka talaga sa sarili mo. Bakit? Nag-away na naman ba kayo nung kuya mo?'' tanong naman sa'kin ni Blessie habang nilalaro yung buhok ko.

Away? Ulit? 'E hindi pa nga kami nagkaka-ayos 'e, tapos may sunod nanaman? Pero promise hindi ayun yung dahilan. Tumungo ulit ako, ''Wala hindi yun yung dahilan--'' Hindi na natapos yung pagsasalita ko ng may magsalita rito sa likod namin.

''Ano?! Magkaaway pa rin kayo nang kuya mo?'' Sigaw at gulat na tanong sa'min ni Jin. Oo ni Jin kaya dahilan na mapatingin kami sa direksyon nya sa sobrang gulat.

Alam nya magkaaway kami? Tsaka ano kung magkaaway kami, kilala nya si Kuya? How did he know that? Lahat-lahat?

Ang exaggerate kung makapag- react, ''Alam mong magkaaway kami?'' nakataas na kilay kong tanong sa kanya. Napalunok sya saba'y iling. ''Uhhh h-hindi! Never mind! K-kasi ngayon lang ako nakarinig ng magkaaway na kapatid.'' Pag papaliwanag nya habang hindi pa rin makatingin ng diretso sa'kin.

Ang weird ng kinikilos nya huh? Ngayon lang daw nakakita ng magkaaway na magkapatid? Fudge, sobrang weird talaga ng kinikilos nya. Parang may alam sya na dapat ko na 'ring malaman?

''Seriously?'' tanong ko pa rin sa kanya. Hindi na nya natuloy yung pagsagot nya sa'kin ng biglang. . . ''Ang pogi nya talaga, promise!'' Nagwawalang sigaw sa kilig nitong ni Kate.

Dahilan na mapatingin din kami sa kanila nila Dawn, Amy na kinikilig din. Ah about pa rin ata sa crush nya na ti-next nya saamin last night na nagkandapuyat kaming syam dahil lang 'don sa crush nyang 'yon?

''Patingin!'' pagsigaw pa ni Dawn habang sila kilig na kilig sa may 'don sa may gilid. ''What's with the noise?'' Uh-oh, nandyaan na pala si Sir nasa harapan na pala nung dalawa.

Hindi namin agad napansin. Bakit 'di naman kasi nang-inform na nakapasok na pala sya? Kita ko sa itsura nila Kate tsaka Dawn na kasalukuyang pinagpapawisan at kinakabahan na sa bakulaw look nang teacher namin. ''I said what's with that noise?!'' Tinatanong nya kung anong ingay daw? Samantalang sya yung pana'y ang sigaw dyan?

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon