Chapter 2: Riot
Cloe
This can't be
Tama ba 'tong nakikita ng dalawang mata ko. Kinusot-kusot ko muna 'yun bago ako tuluyang maniwala sa mga nakikita ko. Hindi pwede--- bakit nandito sya? Nakaka-inis! Sobra-sobra na yung pagkabadrip ko ngayon araw.
Pagkakita ko palang sa kanya dinabog ko yung pagkaka-upo ko sa upuan dahilan na mabaling naman yung atensyon nung mga kaklase ko sakin sabay sigaw ng
''Oooh.''
Dahilan na mabaling din yung atensyon nung adviser namin sa unahan at sa hindi inaasahang pagkakataon nagtama pa yung mata namin. Hindi pa nya ata ako pansin simula umpisa kaya hindi sya nag-react.
Eh samantalang nung simulang mag-ingay yung mga kaklase ko, boom! Ayun napansin na'ko, letche. Nakakita ako ng mga mapanlokong ngiti sa labi nya.
''Class we have transferee be nice to him. Okay ijo, you may introduce yourself.''
Sabi ni ma'am sa kanya. Pagkatapos 'nun nakarinig naman ako ng hiyawan at tilian galing sa iba kong mga kaklaseng babae. Nakaka-hiya sa kanila, anu 'yan artista para pagkaguluhan tsk?
''Hi guys, I'm Jin Sky Saavedra! May nakakakilala na ba sakin dito? I just want to meet you all and let's be friends! Yay, isn't it great? Hindi ako isnabero ang gusto ko lang sana maging close tayong lahat, okay? Thank youu.''
Bakit nung pagkasabi nya nung word na 'tayong lahat' nakatingin sya sakin at hindi maalis ang mapanloko nyang mga tingin at ngiti. Sakin ba talaga patungo lahat ng 'yon?!
Pagkatapos nyang mag-salita pinaghanap na sya ng upuan ni ma'am. Nilibot nya muna ng tingin yung buong room. Sabi kasi ni ma'am, 'Doon ka maupo Mr. Saavedra sa likuran ni Ms. De Leon.'
''Ma'am sino po sya?''
Rinig kong tanong nya. Tanga lang? Seriously hindi ko alam kung matatawa ba ko sa naging reaksyon nya o maawa. As in yung itsura nya ngayon parang naliligaw na bata na hindi mo alam. Hahaha
Samantalang nag-iisa lang yung bakanteng upuan sa may likod ko? Tapos itatanong nya pa kung sino yung De Leon?
Oo naiintindihan ko na hindi nya ako kilala--dahil kanina lang kami nagkita pero sana gamitin nya naman common sense nya nag-iisa nalang yung upuan e.
"Bulag lang?"
Bulong ko dahilan na mabaling naman yung mga atensyon nila dito sakin sa harapan pati na rin sya.
Bakas padin sa itsura nya yung pagkalito dahil sa inasta ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay habang naka-ngisi sa kanya.
Let the show begins.
"Cloe ano ba 'yang sinasabi mo? Yung transferee ba pinariringgan mo?"
Nag-aalangang tanong pa ni Dawn sakin. Natawa naman ako ng bahagya sabay tingin sa direksyon nya.
"Sa tingin mo kanina pa? Seriously nag-iisa nalang yung upuan dito sa may likod ko, itatanong nya pa kung sino 'yun?"
Tawa padin ako ng tawa nang siguro 'dun nya palang na realize na sya talaga yung pinariringgan ko, napatingin sya sa direksyon ko.
"Yah! Ako ba 'yun?"
"Sa tingin mo hindi? Sino pa bang naka-tayo dyan sa may gitna? Ikaw lang diba?"
Mataray kong sambit sakanya sabay irap, tss. Hindi naman ako magiging ganto kasungit kung hindi nya ako binwisit kanina.
"Hindi naman ako magtatagal ng tayo dito kung kilala ko sana yung tinutukoy ni ma'am!"
BINABASA MO ANG
[Book 1] Something that We're Not (Completed)
RomanceFalling in love in the wrong-expected person. Is a really BIG MISTAKE. Nagbigay ng motibo. Na-fall. UMASA. In the end. Na-sak-tan "Did forever... still exist?" Parang kayo na hindi kayo. Nagseselos ka, kahit wala kang karapatan. Nagseselos sya ka...
![[Book 1] Something that We're Not (Completed)](https://img.wattpad.com/cover/29508079-64-k504642.jpg)