Chapter 26: Childhood Sweetheart

195 17 0
                                    

Chapter 26: 

Childhood Sweetheart

Cloe

Saturday

(01:30 pm)

Nag unat muna ako at tuluyang tumayo sa kama ko. Kinuha ko muna yung alarm clock para tignan kung anong oras na.Saglit akong natigil-- ANO? Kinusot kusot ko muli yung dalawa kong mat, malay ko bang kung nag d-dayream pa rin ako?

Hindi nga ako nananaginip. . .

"Maaaaaa!" Sigaw ko habang patakbo sa baba papunta sa kusina kung na'san si Mama. Nakita ako ni Kuya---nagkatinginan lang kami.. tulad nga ng dati seen-zoned pa rin kaming dalawa.

"Good morning anak.'O bakit anong sinisigaw-sigaw mo may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Mama saba'y hawak sa ulo ko. Umiling-iling ako, "Talaga bang 1-1:30 na ng hapon?" Hindi ko pa 'rin g makapaniwalang tanong.

Tumawa si Mama habang sumenyas at tinuro yung direksyon ni Kuya kung saan kasalukuyang naghuhugas na ng plato. Napa face palm ako, "Bakit 'di nyo man lang ako ginising?" Tanong ko kay Mama papunta malapit sa tabi na direksyon ni Kuya.

Upang uminom ng tubig. Doon kasi sa gilid ng lababo nakalagay yung water dispenser namin. "Anak, bakit ka pa namin gigisingin kung sa kabila 'non ang sarap ng pagkakatulog mo? Alam naman namin these days, parehas kayong pagod ni Jin dahil sa puspusang practice nyo,"

Tumango ako. Oo may point si Mama pinagpapahinga nya lang ako. Pero dalawang meals na yung nalipasan ko. "Mama, bakit ang daming plato na hinuhugasan?" Tanong ko saba'y inom at tingin kay Mama na sa kasalukuyang nagpupunas ng lamesa. "Galing tropa mo dito,'' singit ni Kuya.

Nabuga ko yung tubig na iniinom ko at napatingin ako kay Kuya gulat na gulat. Seryoso ba talaga 'yang sinabi nya? "S-seryoso ka?" Nagtataka ko pa 'ring tanong. Tumango si Kuya habang pinagpapatuloy yung paghuhugas, "Bakit 'di nyo ko ginising--"

"Ginising ka nila sa taas kanina. Ang sabi ni Kevin naghihilik ka pa raw." Cold na pagkakasabi nya. Napa face palm na naman ako, "Talaga? Ugh, nakakahiya!" Sambit ko habang nakahawak pa ko sa buhok ko.

"Nakailang katok daw sila, pero walang effect daw talaga sabi ni Blessie. Kaya umuwi nalang sila kanina pagtapos kumain," Napayuko nalang ako sa lamesa sa mga naririnig kong kwento nila sa'kin ngayon.

"Bakit naman kasi hindi nila ako t-next di'ba? Para na inform naman sana ako," Inis kong sabi saba'y gulo ng buhok ko. "Check your phone." Matipid na sabi ni Kuya. Napataas naman ng bahagya yung isa kong kilay.

Tumayo ako at tumakbo pabalik sa loob ng kwarto. Agad kong kinuha yung phone ko sa gilid ng unan ko at hindi ko in e-expect yung kung anong bumungad sa'kin. Shems.

18 messages

23 missed calls

Hehehe, sabi ko nga in-inform nila ako. Isa-isa ko na 'yung binuksan at binabasa. Nahihiya na lang talaga ako sa mga nangyari ngayon. Unang message na bumungad sa'kin yung kay. . .

From: Aubrey

On the way to De Leon's bound. Miss ka namin Clow see you in a bit!

Grp.

From: Kevin

Cloe nandito na kami sa gate nyo buksan mo na kaya? Hehe.

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon