Chapter 28: Mr. Chu?

170 18 3
                                    

Chapter 28: 

Mr. Chu?


Cloe

"P-para saan yun?" Gulat kong tanong kay Cedric na hanggang ngayon hindi pa rin nag p-progress sa utak ko yung ginawa nya sa'kin. Ang laki ng mga ngiti sa mukha nya, "Good bye kiss?" Nakangisi nyang tanong.

Tinignan ko sya ng masama saba'y hampas sa braso nya. Mas lalo nya pa 'ring nilaksan yung tawa nya. Bababa na nga ako! Mamaya ano pang magawa nito 'e. Nang aaktong bubuksan ko na yung pinto, bigla nyang hinarang or should I say pinatong yung kamay nya sa direksyon ng kamay ko.

"Hindi ka muna lalabas." Mahina at nakakakilabot nyang sambit. Ugh ano ba 'to? Feeling ko kinilabutan at nagtuyuan balahibo ko sa katawan. Napaharap naman ako sa direksyon nya ng may pagtataka pa rin sa mga mukha ko.

"Bakit hindi? Gusto mo bang ma-late ako?" Sarcastic kong tanong sa kanya kalaunan umiling-iling naman sya. 'E bakit naman kaya? "'E... ano?" Tanong ko pa rin sa kanya ngumiti ulit sya sabay turo sa direksyon nung labi nya.

Hinampas ko nanaman sya, "Hmp! Hay nako! Puro ka talaga kalokohan kahit kelan! Sige na papasok na ako bye," Tumango naman sya sabay tawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinampas ko nanaman sya, "Hmp! Hay nako! Puro ka talaga kalokohan kahit kelan! Sige na papasok na ako bye," Tumango naman sya sabay tawa. Nakatingin lang ako sa mga pinagagawa nya. Loko-loko talaga.

"Hahaha! Oo na po madam, basta mamaya nalang pag-uwi ah?" Pagbibiro nya sa'kin tanging pagtataray nalang nagawa ko. Nang bubuksan ko na yung pinto agad syang lumabas upang pagbuksan pa ako.

Laking gulat ko nung lumabas na ko ng kotse 'e ang dami na palang nag-aabang sa'kin. At tanging pangalan ko yung sigaw. Tumingin naman sa'kin si Cedric ng buong pagtataka.

"Dude, sikat ka ba dito? Ang dami mong fans huh?" Bulong nya sa'kin habang papasok kami ng school. Ang kulit nya 'e! Sinabi ko na ngang 'wag na akong ihatid sa loob.

Sabi nya naman na kesyo maligaw daw ako? Baliw maliligaw school ko 'to? Ngumiti ako ng bahagya sa kanya. "Hehe, hindi naman a-ano ako artista?" Tanong ko sa kanya na kasalukuyang nililibot nya pa rin yung tingin sa buong school. "'E ano 'yang mga banners? Bawat daanan nating mga buildings, puro pangalan tsaka mukha nyo nakikita ko? Umamin ka nga.. sikat ka dito e." Pangungulit nya pa sa'kin saba'y suntok ng mahina sa balikat ko.

Aray huh! Kahit mahina lang 'yon sa kanya, masakit pa rin 'yon sa'kin. Hindi ako makasagot sa tanong nya. Sasabihin ko ba? 'Wag na nga, wala rin naman sa kanya 'yon.

Para syang batang amaze na amaze na ngayon lang nakakita ng madaming tao. Tumigil sya sandali, "Tsaka ito 'o! Ang laki ng tarpaulin nyo! Teka, sino 'tong kasama mo--boyfriend mo?'' nakapout nya pa rin na sabi habang nakaturo 'don sa malaking tarpaulin na nakasabit sa may field.

 Tumigil sya sandali, "Tsaka ito 'o! Ang laki ng tarpaulin nyo! Teka, sino 'tong kasama mo--boyfriend mo?'' nakapout nya pa rin na sabi habang nakaturo 'don sa malaking tarpaulin na nakasabit sa may field

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon