Chapter 30: Aso't Pusa

153 18 0
                                    

Chapter 30:

Aso't Pusa

Jin

04:30 am

Nagising ako ng marinig kong nag r-ring yung phone ko. Seriously may tatawag pa sa'kin sa gan'tong kaaga? Binuksan ko muna yung lampshade dito sa gilid ko at kinuha yung phone sa ilalim ng unan ko.

Kevs calling...

'O ang aga naman nito? Alas kwatro i-medya pala ng umaga ah? Hindi ko alam nung mabasa ko yung pangalan nya sa phone ko nakaramdam ako ng kaba? Agad akong napahawak sa dibdib ko.. sana wala naman.

Agad ko rin naman 'yung sinagot kahit medyo inaantok pa ako baka importante.

''Hello?--''

''J-jin...''

Nauutal na sambit dito sa kabilang linya. Teka sino ba 'to? Si Kevin ba 'tong kausap ko? Parang hindi naman ang lalim ng boses 'e, parang si Zackrey? Mas lalo akong nakaramdam ng kaba.

ARGH. Ano ba 'to? Hindi ko alam ba't biglang nanginig na rin yung katawan ko. Agad akong napakamot sa ulo ko kahit papano makalma ko yung sarili ko.

''B-bakit?''

Sana.. sana walang nangyaring masama. Sana hindi totoo 'tong mga kaba ko. I just want to make sure anything. ''Zackrey? Z-zac ikaw ba 'to--'' hindi na ako nakapagsalita ng tapos ng . . .

''N-nandito ako sa hospital ngayon,''

Ito na nga bang sinasabi ko 'e! ''B-bakit ka nandyan sa ganyang kaaga? Seriously?'' okay inhale--exhale. Try to calm down Jin.. try to calm down.

''Si K-kevin--''

Hindi ko na pinatapos yung pagsasalita nya ng patayin ko na yung kabilang linya. Malakas ang instinct ko at naniniwala ako 'don. Kapag may kutob ako, ayon na ang pinaniniwalaan ko. Hindi na kasi talaga maganda 'tong pakiramdam ko.

Sinasabi na nga ng iba na kesyo para daw akong babae dahil sa sobrang lakas ng pakiramdam ko. Pero itong mga pakiramdam ko... wala pang hindi nangyari. S-sana for this time, hindi naman mangyari 'to.

Kahit naka-lights off na dito sa bahay, tulog na lahat ng tao dito. Agad akong bumaba sa garahe. At kahit nakapajama pa ako pinaandar ko na ng mabilis pero maingat yung kotse.

Habang nasa byahe ako hindi pa rin mawala ang kaba dito sa sarili ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Nang makarating ako sa hospital na it-next sa'kin nitong ni Zackrey nagmamadali agad akong pumasok sa loob.

Nang makita kong nasa harap ng emergency room si Zackrey kausap 'yung doctor. ''Zackrey! Na'san si Kevin anong nangyari?'' agad kong bungad dahilan na mapatingin naman sila direksyon ko.

Agad nya akong sinalubong. Ngayon nakaharap na kami sa doctor inilipat nya ang tingin sa'ming dalawa, ''Friend of the patient?'' Tumango lang ako at agad na hinawakan sya sa magkabilang balikat nito.

''D-doc tell us, anong nangyari sa kaibigan namin?'' Napabuga sya ng hininga sa hangin at sa mga tingin na binibitawan nya mas lalong hindi ako naging komportable. ''Doc naman please!'' sigaw ko pa. Hindi ko alam feeling ko naiiyak na rin ako.

''Sorry boys, it's a bad news.''

''Then tell us! Ano ba 'yung bad news na 'yon?'' Nadala na rin ng tension 'tong si Zackrey at hindi na rin naiwasan ang masigawan yung Doctor. Napailing sya, ''Maaaring malumpo ang kaibigan nyo. . .''

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon