Chapter 16: Help

179 20 0
                                    

Chapter 16:

Help

Jin

Naiwan akong nakatulala dito sa shop ng mag-isa. Hindi pinakinggan ni Clow yung paliwanag ko. Imbis na pakinggan nya yung side ko, mas pinairal nya pa yung pride nya. Ganon ba talaga sya? or nagkakaganon lang sya dahil sakin?

Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Kung hindi dahil sa kapabayaan ko, 'di ko alam na lalaki na pala ng ganto. Sa sobrang pre-occupied na ng utak ko, 'di ko napansin ako nalang pala yung tao sa shop.

 "Ah sir? Magsasara na po kami," Sabi nung babae at tinignan ko sya saba'y tumayo na. "Sorry po sa abala," Sabi nya ulit. Hindi ko nalang sya pinakinggan at tuluyang na ng lumabas sa shop. Ngayon napakabigat ng pakiramdam ko, ano nalang gagawin ko bukas? 

Bukas na ata yung start ng practice naming mga candidates? Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Pano kung humingi kaya ako ng tulong sa mga kaibigan nya? Wala naman sigurong masamang humingi ng tulong diba? Oo tama!i t-text ko nalang sya... sana naman pumayag din sya.

To: Aubrey

Hello, hihingi sana ako ng favor sayo? About sa friend mo kay Clow sana matulungan mo ko. Meet me at the park, see you. :))

Send ✔

Huminga ako ng malalim habang nakasandal ako sa upuan at nakahawak sa manibela. Sana lang talaga matulungan nya ko. Hanggang ngayon inaantay ko parin yung respond nya. 2 minutes na, at salamat sumagot din sya.

From: Aubrey

Sure, anything for Clow. Just wait me at the park, I'm on my way now. No worries! ;)

"Yes!" Tuwang sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag sa nabasa ko. Sana magawa namin ng maayos 'to. Pinatakbo ko na ng mabilis yung kotse ko papuntang park, maigi na 'yung ako mauna. Nakakahiya naman kung pag-iintayin ko sya gabi na at ako nagyaya sa kanya.

Nakarating naman ako ng maayos sa pupuntahan ko. Umupo muna ako sa isang bench at inaantay sya. 'Di naman medyo nakakatakot dito sa park, may mga tao pa naman. At may mga ilaw din kaya di medyo mapanganib. Sa loob ng mga 10 mins, nakadating din sya.

"Kanina kapa? I'm sorry, I'm late." Hingal nyang sabi sakin. "No, okay lang sige upo kana. Sorry sa abala ah?" Nag-aalala kong sabi sa kanya, at tumabi din sya sa tabi ko. "Saglit lang ah?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya habang hingal na hingal padin. Bumili ako ng tubig nya, nakakahiya kasi sa kanya 'e, nagmadali pa talaga sya sakin.

"Eto 'o," Sabay abot ko sa kanya ng tubig. Halata namang nagulat sya. "Ay! Ano ba 'yan nag-abala ka pa. Pero salamat," Tinanggap nya naman yung alok ko. At uminom na. Habang umiinom sya nakatingin lang ako sa langit at nag sa-sight seeing.

 Ang ganda tignan ng langit kapag gabi. "Ano nga pala pag-uusapan natin... tungkol sa kaibigan ko?" Pagbabasag nya muli ng katahimikan. Huminga ako ng malalim at sinabi na sa kanya ang totoong dahilan. 

"Tulungan mo naman ako..kami na magkaayos? Please? Promise ngayon lang 'to." Nahihiya kong sabi sa kanya. Nakakita ako ng mga ngiti sa labi nya. Para saan naman 'yon? "Mahalaga talaga kaibigan namin sayo 'no?" Naka smirk nyang tanong. 

Napakamot ako ng ulo ko, "Oo naman." Nahihiya ko pang sabi. Tumawa sya at tumingin ng diretso sakin. "Umamin ka nga may gusto ka ba sa kanya?"  Ano! Ayun ba ang ibig sabihin ng mga ngiting nyang 'yon? Wala akong gusto sa kanya. Aish!

 Ano ba 'yan! "Hala, wala 'no!" Depensa ko, tumawa rin naman sya, "Eh bakit ganon ka nalang mag-alala sa kanya?" Tanong nya muli. "Ako kasi may kasalanan, diba?" Sagot ko naman sa kanya. "Ah." 

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon