Chapter 6: Park Memories

307 25 0
                                    

Chapter 6:
Park Memories

Cloe

Pinagbigyan ko nalang yung gusto ni Jin. Nag crave nanaman sya ng ice cream eh. Samantalang kakain lang namin kanina.

Hays, bihira lang ako maka kita ng mga lalaking matakaw katulad nya. Pero bakit na me-maintain na yung ganong figure yung kamachohan nya. Amp, "Nandito na tayo, wait antayin mo ko ah. Dyan ka lang, bibili lang ako." Napatingin ako kung nasan na nga kami ng mag-salita 'tong si Jin.

Pambihira sa dami pa naman ng pwedeng puntahan ha? Dito pa talaga. Ayoko na ngang pumunta dito eh. Meron akong nightmare dito, huhuh. Kinalimutan ko na 'tong lugar na 'to. Nandito lang naman kami sa park ngayon. Na mi-miss ko tuloy yung pinakamamahal at nag-iisang lalaki sa buhay ko.

Papa..

*Play nyo yung 'Heaven' by Bryan Adams para dama nyo saka malakas maka-emo.*

3 years ago. Nang mamatay si Papa ng dahil sakin! Pero bakit ganon. Kada makikita ko 'tong lugar na to sobrang fresh pa ng mga memories na nang-yari dati. Parang kelan lang. Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarile ko sa pagkamatay ni papa! Wala akong kwenta, napaka-stupid ko!

*flashback*

"Anak nandito na tayo. Diba gustong gusto mo dito?" Tinangal ni papa yung piring ng mata ko. Hilig kasi nito sa mga surprises eh. "Wow papa! Na miss kong pumunta dito ah." Simula ng mag-abroad si Papa, ngayon nalang kami nagkaka-bonding kada uwi nya dito sa Philippines.

"Syempre, ako din na-miss ko din na magka-bonding tayo. Kaya eto oh." Nilabas ni Papa sa likod nya yung bike na gusto ko! Waaah. Tagal ko ng gusto magkaroon nito!

"Thank you Papa, I love you." Sabay hug and kiss kay Papa. "Welcome princess. Alam ko nang nagugutom kana wait lang bibili lang ako. Tapos mamaya tuturuan na kitang mag-bike." Tapos pumunta na si Papa sa Ice cream parlor.

Ngayon naka upo ako dito sa bench. Hindi ko maalis yung tingin ko dun sa bike ko, at the same time ma excite. Sobrang tagal ko na kasing gusto matutong mag-bike saka magkaroon nito. Dahil sa hindi ako mapakali. Sumakay ako sa bike gusto ko din ma-try kung paano mag-bike. Kahit di pa ako marunong.

Sumakay na ko. "Waaah gumagalaw nako!" Kahit pa semplang-semplang ako. Ng may makita akong papalapit na truck sakin. "Waaaah, papa!" Luh pano ba to di ako marunong mag break ng..

"Anaaak--!"

**

Minulat ko yung mata ko. Sakit ng katawan ko. Saka wait bakit parang puti yung nakikita ko? Patay naba ko? Langit na bako? Dami kong tanong saka si

Papa nasan?

"Papa." Nang hihina kong sabi. "Cloe, mabuti na gising kana? Kumusta na ang pakiramdam mo? Alalang-alala na kami sayo." Nag aalalang tanong ni kuya sakin. Nakita ko ding nandito sila Miggy.

"Doc! Kapatid ko gising na!" Nagsisigaw na si kuya. Dali-dali rin namang pumasok yung doktor saka mga nurse. "Kumusta na po ang lagay nya doc?!" Pagtatanong ni Kuya.

"Medyo ok na sya. Pero within 1 week pa sya bago pwedeng ilabas. For her past recovery." Sabi naman ng doctor. "Ok doc, salamat." Tapos lumabas na yung doctor.

"Kuya! Bakit nandito ako? Nasan si papa?! Anong nangyare?!" Nag-hysterical na tanong ko kay kuya. "Clow, hinay hinay lang. Hindi makaka tulong sa pag-galing mo yang pagwawala mo jan. Mahiga ka jan." Pagpapakalma sakin ni kuya.

"Eh nasan nga si Papa?!" Tapos biglang lumabas si Miggy saka may mga luha nang tumutulo sa mata ni Kuya. Hindi ko gusto tong nang yayari. Kinakabahan ako. Naguguluhan na ko! Napapahawak na ko sa ulo ko sa sobrang sakit. Pilit kong inaalala yung mga nangyari. Pero wala talaga e. 

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon