Chapter 29: Realize

134 17 0
                                        

Chapter 29:

Realize

Jin

"Hindii ka kawalan Kevin.. hindi ka kawalan,"

Huling mga salitang narinig ko sa kanya bago sya lumabas ng canteen na walang humpay sa pag-iyak. I never expected that from her kung bakit sya nagkakaganon. I thought, mataray lang sya amazona at isang paglaban lang yung nakita ko noon which is yung nakipag-away sya.

But I guess...I'm wrong. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang syang naging war freak na bigla na lang syang sumugod sa pwesto namin nila Kevin ng ga'non-ganon nalang without letting Kevin to explain his side?

Talaga bang alam nya lahat ng nangyari sa kanila ni Blessie? Kung ako din naman yung nasa kalagayan ni Kevin at sa'kin din yun ginawa...malamang oo masasaktan din ako.

*flashback

"I hate this fvcking life!" Sigaw ni Kevin na kasalukuyang nandito kaming F3 sa bar na nag-iinom. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak nya, tanging alak lang ang makakabawas ng bigat ng nararamdaman nya hinahayaan nalang namin sya.

"Naka plano nang lahat-lahat! Alam nyo yan guys akala ko kami nang magpapatunay ng forever? Tapos makikita ko, masaya na sya sa piling na iba! Puta,'' nakatulala nyang sabi.

Hawak nakasandal at nakahawak pa rin sa buhok nya. Talagang lasing na sya. May namuong katahimikan sa'ming tatlo nakatingin lang kami sa kanya. Hindi ko rin alam kung pa'no bubuhayin 'tong mood.

"Sagutin nyo nga ako, ako ba nag madali o yung tangang umasa?" Naiiyak nya ng tanong sa'min. Saglit akong natigil, napaisip din ako sa tanong nya. Tumingin ako sa kanya sabay tap nung balikat nya, "Pre walang naging mali sa desisyon mo. Siguro yung side ni Blessie yung mali," Sagot ko naman.

"Oo nga baka doon sa nililigawan mo yung problema. Saka teka pre, ilan bwan mo nabang nililigawan 'yan?" Maangas at nakasimangot na rin na tanong ni Zackrey sa'min.

"Tatlo. Tatlong buwan na," Nakatulala nya pa 'ring sagot. Nabuga naman ni Zackrey yung ininom nyang beer. "Pu-pucha! Tatlong buwan na? Ganon katagal? Ano ba kasing nakita mo? I-kwento mo nga ng buo baka sakaling mare-medyohan pa,'' Hindi pa rin mawala sa kanya ang pagkainis.

Nilapag nya yung baso ng beer nya sabay tingin naman sa'ming dalawa. "Remedyo? Haha tanga nalang siguro ako kung ako pa yung maghahabol," Natatawang sagot ni Kevin na alam kong peke lang naman yung mga tawa na yun.

Bakit hindi mapaghahalataang peke? Sino ba namang tao nakikita nyong tumatawa ng may tumutulong luha sa mata di'ba?

Ano? Ikaw na't niloko tsaka pinaasa. Tears of joy pa rin shunga lang?

Huminga ng malalim si Kevin at uminom ulit nung alak nya. Nagsimula na syang magkwento. "Sabi ko, mag meet kami sa mall para sa isang date dahil may ibibigay din akong singsing sa kanya..." Singsing? Ano? May proposal ng naganap?

[Book 1] Something that We're Not (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon