XI. Acquaintance Party
"Hindi ko kayang isuot 'to!" mangiyak-ngiyak na reklamo ko kay Nicolai habang hawak ang dress na sususuotin ko para mamaya. Sinukat ko ito kanina at sobrang fit sa akin. Kulay itim siya at backless, off-shoulder pa! Talagang bumalik pa kami sa mundo nila para lang kumuha ng damit. Kung siya ay okay na okay na sa damit niya, ako ay hindi!
Sinamaan naman ako ng tingin ni Nicolai mula sa salamin. Inaayos niya ang kanyang necktie. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa kanya. Ngayong nakasuot siya ng itim na suit at pulang necktie, mas lalo siyang nagmukhang prinsipe. Ginulo-gulo niya ang kanyang buhok na para bang parte ng style niya.
Humarap siya sa akin at nagtaas ng kilay.
"Mag-iinarte ka na lang ba dyan? Sa tingin mo ba ikinaganda mo 'yang pagiging mapili mo?"
Pinigilan kong ibato sa kanya ang dress na hawak ko. Ang harsh niya talagang magsalita! Nakakainis! Padabog akong nagpunta sa banyo para magbihis. Mabilis ko namang naisuot sa akin kaso hindi ko maabot 'yung zipper sa may bandang ibaba. Nagsimula kasi ang zipper mula sa itaas ng pang-upo ko hanggang sa kalahati ng aking likod. Ilang beses kong inabot ito pero nangalay lang ako.
Matagal akong tumitig sa salamin. Kaming dalawa lang ni Nicolai dito sa bahay kaya wala akong mahihingian ng tulong. Nakita ko ang aking sarili sa repleksyon ng salamin na pulang-pula ang mukha. Eh, ano naman kung si Nicolai ang magtataas ng zipper ng damit ko? Wala namang malisya 'yun, eh!
Hindi muna ako lumabas ng banyo. Naglagay muna ako ng light make-up sa mukha ko. Kahit papaano naman ay maalam ako kaya lang hindi ako 'yung tipo na naglalagay ng sobrang make-up sa mukha. Ako na din ang nag-ayos sa buhok ko. Nakahapit ang buhok ko into a pony tail.
Pagkalabas ko naman ng banyo ay naabutan ko si Nicolai na nakaupo sa kama ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa nasa harapan na niya ako.
Umiwas ako ng tingin at kinamot ang aking batok. "Uhh, Nicolai? Pwede paki-zipper nitong damit ko? Sa may bandang likod."
Tiningnan ko ang reaksyon niya at nakita kong nakatingin lamang siya sa akin. Tumalikod ako sa kanya kahit na hindi ko pa naman nakukuha ang sagot niya.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang palad niya sa aking likudan. Hindi ko alam kung ilang beses akong lumunok dahil doon. Maya-maya ay narinig ko ang tunog ng zipper nang isinasara niya ito.
Humarap ako sa kanya at hindi ko kaagad namalayan na ilang pulgada na lang pala ang pagitan naming dalawa.
Tumingala ako sa kanya at sinalubong ko ang mga mata niyang kulay itim na pinagsisidlan ng kung ano-anong emosyong hindi ko mabasa.
Ibinuka niya ang kanyang bibig na para bang may sasabihin siya. Kumabog ng mabilis ang aking puso. Ito na ba 'yung sa mga nababasa ko o kaya sa napapanood ko na sasabihin ng lalake na napakaganda ng babae? Muling bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko inaakalang mangyayari sa akin ito—
"Ang panget mo."
Buong buhay ko hindi pa ako nasasabihan ng—TEKA, ANO DAW?!
"Mas panget ka!" sigaw ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay sobrang pula ng mukha ko ngayon. Shetlogs! Umasa ba talaga akong sasabihan niya akong maganda ako?! Gah! Naiinis ako! Hindi lang sa kanya, kundi pati na din sa sarili ko! Bakit nga ba ako umasa na sasabihan niya ako ng ganoon, eh, nasa tuktok siya ng mga damuho sa mundo?
"Bakit ang pula ng mukha mo?" nakangising tanong niya. "Wait, akala mo siguro sasabihin kong maganda ka, 'no? Asa, dude! Asa!" at humagalpak siya ng tawa.
Hinampas ko siya sa kanyang braso ng paulit-ulit. "Hindi, 'no! Bakit ko naman aakalain na ganon?! Kahit na hindi mo sabihin, alam kong maganda ako!" sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Romance{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
