XLVIII. The History

12.6K 531 79
                                        

XLVIII. The History

I opened my eyes like I woke up in another dream. Everything around me is white that it almost hurt my eyes. I looked at myself. Ganoon pa din naman ang suot ko. Nasaan na ako? Akala ko ba ay kinuha na ako ng puno? Unless, nagkamali ang ritwal ni Eureka at sa void ako napunta. Iniiling ko ang aking ulo. Baka langit na ito? Nasaan na ba kasi ako?

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Nagsimula akong maglakad. Wala akong ibang makitang kulay kundi puti. Nasa langit na nga yata talaga ako.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad umaasang may mahahanap akong lagusan ngunit inabot na ako ng halos isang oras sa paglalakad ngunit wala pa rin akong nakikitang kahit ano.

Muli akong umupo sa sahig. Itinukod ko ang aking siko sa aking tuhod at humalumbaba.

Ano na kaya ang nangyayari kay Nicolai? Sina Sebastian? Graysen? Xenon? Sana 'wag silang saktan ni Eureka. Sana makagawa sila ng paraan para matalo ito. Ngayong nasa kanya na ang kapangyarihan, alam kong pamumunuan niya ang lahat ng nilalang sa mundong 'yon.

Ganito ba talaga sa langit? Walang kahit na ano? Akala ko pa naman mamimeet-and-greet ko si God. Akala ko din mararanasan kong pumasok sa malaking gintong gate kung saan nakabantay si San Pedro habang may hawak na manok. Akala ko may mga anghel. At higit sa lahat akala ko makikita ko na ulit sina Mama at Papa.

Iniiling ko ang aking ulo sa ikalawang pagkakataon. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Ano'ng gagawin ko dito? Forever na ako dito na wala man lang kausap?

"Flavia,"

Napaangat ang pang-upo ko sa gulat nang makarinig ako ng boses sa aking likudan. Napatayo ako nang makita ang isang magandang babae. May mahaba at itim siyang buhok na katulad ng sa akin. Nakasuot siya ng puting bestida. Hindi ko maiwasang mamangha. Napakaganda niya talaga. Ngunit pamilyar ang kanyang mukha kahit alam ko sa sarili ko na ngayon lang kami nagkita.

"Uhm, sino po kayo?"

Ngumiti siya sa 'kin. Imbis na sagutin ang aking tanong ay niyakap niya ako. Lumipas ang ilang minuto ng mahabang katahimikan. Nagtataka na ako pero hindi ko naman magawang umalis sa pagkakayakap niya.

Mayamaya ay humiwalay na din siya sa 'kin. Hinaplos niya ang aking buhok. Mas lalo akong nagtaka nang makita kong lumuluha siya.

"Patawarin mo ako, Flavia. Ako ang puno't-dulo ng lahat kung bakit ang mga Faux ang siyang ginagawang alay para sa puno," Muli niyang hinaplos ang aking ulo. "Napakadami na nating nagsakripisyo pero ito lang ang makukuha natin. Sakit. Pagtatraydor. Hinagpis."

Kumunot ang aking noo. "Hindi po kita maintindihan. Ano po bang mga sinasabi niyo? Paano mo nasabi na ikaw ang dahilan?"

Pinunasan niya ang kanyang pisngi. "Ako si Fatelynn Faux. Ako ang pinakaunang nagsakripisyo para sa puno."

Napasinghap ako. Ibig sabihin ay ancestor ko siya? Kaya pala para siyang pamilyar. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sinisisi niya ang sarili niya.

"Hindi niyo naman kailangang sisihin ang sarili mo. Nakatakda na naman sa 'tin ang lahat, 'di ba?"

Umiling siya. "Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat."

May biglang lumitaw na upuan at lamesa. Naupo kaming dalawa doon. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa kung anoman ang sasabihin niya. Malalaman ko na ang kasagutan sa aking mga tanong tungkol sa aking pamilya.

"Faux family is a royal family thousand years ago."

Nanlaki ang aking mga mata. Magsasalita sana ako pero itinikom ko rin ang bibig ko. Hihintayin ko munang matapos niya ang kanyang sasabihin.

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon