XVIII. Taken
Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Kaagad akong napabitaw sa dulo ng tela. Humarap ako sa kung sinoman ang tumawag sa'kin at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Sebastian na nakasandal sa amba ng pintuan.
"Ikaw lang pala," Napabuntong-hininga ako. "Anong ginagawa mo dito?"
Ngumiti siya sa'kin at itinaas sa ere ang hawak niyang rosas. "Naisip ko kasing baka nangungulila ka sa aking kakisigan kaya naman naisipan kong hanapin ka. Mabuti na lamang at nahanap kita dito," Inilagay niya ang likod ng palad niya sa kanyang noo. "Oh, magandang binibini! 'Wag ka nang malungkot dahil nandito na ako, ang lalakeng magpapatibok ng puso mo."
I looked at him with a poker face. "Oh, yeah?" Ayan na naman siya sa pagiging OA niya.
Lumapit siya sa'kin na umiikot-ikot pa na parang nagbaballet. Nang makarating siya sa aking harapan ay bigla siyang lumuhod at iniabot sa akin ang pulang rosas.
"Tanggapin mo ang aking pagmamahal, Flavia at nasisigurado kong hindi ka magsisisi."
Pinigilan ko ang aking sarili na kuhanin ang rosas na hawak niya, itapon sa sahig at tapakan. Hindi naman ako ganoong kasama. At least, nasa isip ko lang. Hindi ko talaga gagawin. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Sebastian, kung ayaw mong masapak kita."
Kaagad siyang tumayo. Nakasimangot siya ngunit may kapilyohang naglalaro sa kanyang mga mata.
Humalukipkip ako. "Ano bang kailangan mo?"
"Samahan mo naman akong mamasyal sa labas ng palasyo," Pinagdaop niya ang kanyang mga palad at binigyan ako ng matinding puppy eyes. Akala naman niya mahuhulog ako doon, 'no! Nakakasuka kapag siya ang gumagawa, hindi nakakatuwa! "Wala akong makasama eh. Please?"
Ngumiti ako ng sobrang tamis sa kanya bago sumagot. "AYOKO."
Bumagsak ang kanyang mukha. Humawak siya sa kanyang dibdib at madramang lumuhod sa sahig. "Oh, kay sakit ng aking kapalaran! Palagi na lamang akong tinatanggihan ng kaisa-isang babaeng gusto kong makasama ngayong araw! Ano bang kasalanan ang aking ginawa at nagkakaganito ako? Bakit kailangan kong masaktan ng lubusan?" Tumingin siya sa'kin. May luhang nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata. "Binibining Flavia, ano ang dapat kong gawin para lang matigil ang pagiging ganyan mo sa akin?"
"It's simple," panimula ko. "Fuck off."
Nagsimula akong lumakad pero hindi pa ako nakakalayo sa kanya ay naramdaman ko ang kanyang kamay na pumalibot sa aking binti.
Kaagad akong napatingin sa kanya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya. Nakadapa siya sa sahig habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa aking binti para lang hindi ako makaalis. Pilit ko namang iginagalaw ang aking paa para bitawan niya pero pahigpit lang ito nang pahigpit.
"Samahan mo na kasi ako! Mabilis lang naman, eh! Wala kasi akong makasama at ikaw lang ang alam kong pwedeng sumama sa'kin." nakangusong sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak niya sa aking paa.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Pagod ako, tukmol, kaya tigilan mo ako. Magpasama ka sa mga babaeng sinasabi mong nagkakandarapa sa'yo!" sigaw ko sa kanya. Pilit ko pa ring inaalis ang paa ko sa pagkakahawak niya pero ayaw pa rin talagang bumitaw. Bahagya akong tumungo para maabot ko ang ulo niya. Binigyan ko siya ng malakas na batok pero wala pa rin. Ang kulit niya talaga!
Sa huli, napabuntong-hininga na lang ako.
"Sige na! Utang na loob, tumayo ka na dyan at sasamahan na kita!" Ginugulo-gulo ko ang aking buhok dahil sa sobrang inis. Hindi na yata magiging payapa ang buhay ko. Idagdag pa itong si Sebastian na ubod ng kulit.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampire{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
