XLVI. Deja Vu
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang Hari't Reyna at si Eureka sa aking harapan. Parang hindi sila ang kinilala kong pangalawang pamilya. Parang hindi ko na sila kilala pa. Their eyes were so empty like a dead fish. Their mouth was set into a sinister grin.
"B-bakit niyo kailangang gawin 'to?" Pumiyok ang aking boses dahil sa luhang aking pinipigilan. I can't be weak now. Klaus can't save me from his state right now. No one can save me but myself.
"Obviously, for power," Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ni Eureka. "Ako na lang naman ang maaaring makakuha no'n. Since Klaus is a total jerk, Shanaiah is good as dead and Nicolai is softy as fuck, I'll be the only one who can handle the power coming from the tree."
Ibinaling ko ang tingin kina Haring Vlad at Reyna Selena. "Bakit sa lahat, kayo pa ang may pakana nito? Akala ko ba ay gusto niyo lang na mailigtas ang mundo niyo?"
With her soft voice, Reyna Selena spoke up. "The most important thing in this world is power. We won't let anyone trample on us. We want to be the greatest creature in this world. And you're the key to it." Her words were like cold, spiky icicles thrown at me, slicing through me, piercing deep.
"Be a good girl and cooperate, Flavia," Ani Haring Vlad. "Everything will pass by like a blur."
Sumasakit ang lalamunan ko sa pagpigil ng aking luha. Ganito pala ang pakiramdam na tinraydor ka ng mga pinagkakatiwalaan mo. Sumisikip ang dibdib ko habang tinitingnan sila.
"Alright, let's not waste our time," Lumingon siya sa likod. Ngayon ko lang napansin na nandoon na ang dalawang kawal kanina. "Get her."
"No!" Tumunog ang mga kadenang nakakabit kay Klaus. Tumayo siya at tumakbo palapit sa rehas. "No! You can't do that to her! She's willing to save us all and you're gonna fucking use her to get that goddamn power?!"
Tumawa si Eureka. "Kahit ano pa ang sabihin mo, itutuloy pa rin namin ang ritwal," Humalukipkip siya. "Oh, is this a deja vu, Klaus? Is this what it's like when they took Flaudia away from you?"
Humigpit ang pagkakahawak ni Klaus sa rehas na halos takasan na ng dugo ang kamao niya. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Nakatingin siya sa 'kin at wala akong magawa kundi hayaan ang luha na tumulo sa 'king mga mata.
"Now, get her." Muling utos ni Eureka.
Lumapit sa 'kin ang dalawang kawal at hinawakan ako sa magkabilang braso.
Nagpumiglas ako. "Bitawan niyo 'ko! Napakasama niyo! May pagkakataon pa 'kong mabuhay pero ipagdadamot niyo sa 'kin 'yon!" Humagulhol ako. Hindi ko na kaya pang itago ang sakit na nararamdaman ko. Para bang nagkahalo-halo na ang lahat ng sakit at paghihirap na naramdaman ko noong nandito ako. Oo, naging masaya ako pero kapantay naman no'n ang sakit na dinadanas ko.
"Hindi ba't ikaw na din ang nagsabi na wala ng halaga ang buhay mo? Why are you acting like your life was the most precious thing to you?" Ngumiti si Reyna Selena.
Halos hindi ko na sila makita dahil sa luha na nakahara sa 'king mga mata.
"Enough with this drama. Tara na." ani Haring Vlad.
Nagsimula na ang dalawang kawal na dalahin ako.
"Flavia! Damn it!" Mas lalo akong napaiyak nang makita ang lumuluhang mga mata ni Klaus. "Stop it! No! I'm begging you! Please, don't!"
"Listen, Flavia," bulong ni Eureka. "When you try to escape, I'll gonna split his head up. Got it?"
Suminghap ako. Hindi na ako nagpumiglas pa. Umiling ako kay Klaus. Ayokong may masaktan pa o bawian pa ng buhay. Ako ang may kasalanan kung bakit madaming tao ang namatay. Hindi ko na kakayanin kung may iba pang mamamatay nang dahil sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Romance{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
