V. Fangirls
"What an interesting girl." nakangising sabi sa akin ni Graysen. "I'm Graysen Ganondorf, obviously a warlock but I'm the most ravishing warlock in this city."
Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. "I'm Flavia Faux." simpleng pagbati ko sa kanya at hindi na pinansin pa ang pagmamayabang niya sa kanyang itsura. Inaamin kong ang gwapo niya talaga. He has high cheekbones. Pink and thin lips. May pagka-singkit ang kanyang mga mata. Naalala ko tuloy si Magnus Bane sa kanya, a warlock from my favorite series, The Mortal Instruments ang pinagkaiba lang ay his hundred times hotter. Sinong mag-aakala na ang may totoong warlock na sa aking harapan?
Ibinaling niya ang tingin niya kay Nicolai na nakaupo sa couch. Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Mukhang inis pa din siya sa pag-head chop ko sa kanya.
Lumakad ako patungo sa kanya at umupo sa tabi niya. Kumuha ako ng cookies na ni-bake daw ni Graysen at kinain iyon. May kakaiba ding inumin siyang dinala. Tinitigan ko ito ng matagal. Ang unang layer ng inumin ay kulay dilaw, ang sunod na layer naman ay blue, ang sunod naman ay pula at ang nasa pinakaibabaw ay kulay orange.
"Sikat ang inuming iyan sa lugar na ito. It's called rainbow juice though hindi kumpleto ang kulay ng rainbow na nandyan." paliwanag ni Graysen.
Nagkibit-balikat na lang ako at ininom ang juice. Napangiti naman ako nang sumabog sa aking bibig ang iba't-ibang lasa. Naghahalo ang tamis at asim pero ang sarap. Uminom pa ako hanggang sa tuluyan ko na itong maubos. Nang nabusog ko na ang aking sarili ay tumingin naman ako kay Nicolai na nakasimangot pa rin.
Siniko ko siya sa kanyang tagiliran. "Ano bang problema mo? Kanina ka pa nakasimangot." saway ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "Wala!"
Napabuntong-hininga na lamang ako. "'Yung totoo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Sumandal ako sa may couch at muling kumain ng cookies ni Graysen. Ang sarap talaga nito. "Dahil ba iyan kay Belphegor?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. "You called me Nico earlier." bulong niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "So? Ang haba kasi ng Nicolai kaya Nico na lang. Mas normal pang pakinggan."
Hindi na siya sumagot at bigla na lang siyang tumayo. "Don't call me Nico." malamig na sabi niya at lumakad na palabas ng tree house.
Naiwan naman akong nagtataka kasama si Graysen. Tumingin naman ako kay Graysen na naiiling na lang na para bang alam niya kung bakit nagkaganon si Nico. Ano naman ngayon kung tawagin ko siyang Nico? Ang arte naman niya. Mas madali namang banggitin ang Nico sa Nicolai, eh.
"Ang laki talaga ng problema sa buhay 'nun?" tanong ko kay Graysen.
Napatawa naman siya. "Hayaan na muna natin siya." sagot niya sa akin. "Mas mabuti kung tawagin mo na lang siya sa tunay niyang pangalan kaysa sa Nico."
"Bakit?"
"Mas mabuti na ding wala kang alam." napasimangot na lang ako sa sinabi niya. "Sumama ka sa akin at ipapakita ko sa'yo ang tutulugan mo ngayong gabi."
Sumunod na lang ako sa kanya. Lumakad kami patungo sa pinakaloob pa ng tree house at nang makarating kami sa parang kalagitnaan nito ay napansin kong napapalibutan ang dingding ng mga pinto. Kulay ginto ang mga pinto at may mga numero na nakaukit na nagsisimula sa 100 hangang 130.
"Hindi kalakihan ang Inn ko kaya naman tatlumpung kwarto lamang ang nandito." may iniabot siya sa aking susi na may tag at sa tag ay may nakalagay na number 125. "Iyan lamang ang available na kwarto ngayon dahil madaming warlock ang pumupunta dito kapag ganitong oras. Mabuti at umabot pa kayo."
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampire{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
