XXXII. Captured

11K 470 31
                                        

XXXII. Captured

Hindi ko maitago ang aking kaba habang nakatanaw ako sa bintana. Sigurado akong pinagpaplanuhan na nina Nicolai ang pagsagip sa 'kin. Dapat matuwa ako dahil makakaalis na ako sa lugar na ito pero may pakiramdam ako na parang may masamang mangyayari. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. 'Wag naman sana. Sana makaalis kami ng ligtas sa lugar na 'to.

"Hanggang kailan mo balak manatili sa pagtingin sa labas ng bintana?" Lumingon ako kay Klaus na nakaupo sa mahabang pulang couch. "Why don't you look at me instead?" He smirked.

Napairap ako sa kawalan. "I don't have reason to look at you," Muli akong tumingin sa labas ng bintana. "I don't have reason to look at someone who have no enough rationality to understand what's right and wrong."

Suddenly, I heard a swish sound and I found myself trapped in between Klaus' arms. His hands were gripping the baluster until his knuckles turned white. His eyes turned red as he gaze angrily at me.

"Why do you always talk like you know what I feel? Why do you always spat bullshits when you doesn't even know what I've been through?"

Napapikit ako. Naghintay ako ng gagawin niyang pananakit sa 'kin pero naramdaman ko na lang ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko. Pigil-pigil ko ang aking hininga habang pinagmamasdan siya. Buong akala ko ay sasaktan niya ako dahil galit na galit talaga siya kanina.

Bumuntong-hininga ako para mawala ang tensyon na nararamdaman ko. "Alam ko ang pakiramdam nang maiwan na mag-isa, Klaus. Saksi ka doon, 'di ba? Binantayan mo ako simula pa lang noong una gamit ang ilusyon mong si Sir. Ralph. Sa lahat, ikaw ang pinakanakakaalam sa mga pinagdaanan ko noon," Ngumiti ako nang mapait. "Madalas akong mabully tapos pag-uwi ko, wala akong madadatnan na mga magulang na siyang magcocomfort sa 'kin. Wala nang natira sa 'kin kundi ang sarili ko lang. Galit na galit ako noon sa mundo dahil mistulang galit na galit din siya sa 'kin dahil lahat na lang kinuha sa 'kin. Wala na akong pakealam sa buhay ko dahil wala na din naman akong mapapala sa mundo. Pero nang makilala ko si Nicolai, natakot na akong mawala. Natakot na akong umalis dahil alam kong masasaktan siya."

Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin kaya nagpatuloy ako.

"Noong una, pumayag lang akong maging bahagi ng puno dahil iyon lang naman ang magiging silbi ng buhay ko. Kapag nawala ako, wala na ding maghahanap sa 'kin. Wala na ding iiyak. Pero ngayon, payag akong maging parte ng puno dahil may silbi ang buhay ko. May mga gusto akong protektahan. May mga bagay akong gustong pangalagaan."

Inisip ko si Nicolai, ang head chop niya, ang buhok niyang laging nakaclip, ang ngiti niya, ang pagmamahal niya. Naisip ko din sina Haring Vlad, Reyna Selena, Eureka, Sebastian, Xenon, Captain Black at lahat ng mga nilalang na nakatira sa mundong 'to. Lahat sila ay magagawa kong iligtas. Kaya ko 'yong gawin kahit na masakit para sa 'king iwan si Nicolai.

"Why, Flavia? Why...did the both of you say the same thing?" His shoulders shook. He's crying. He's so broken, I can't even touch him. I'm afraid he'll gonna shatter into tiny pieces.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"At first, Flaudia wanted to be part of the tree but because of me, her mind changed. Ayaw niyang mawala dahil sa 'kin at ayaw ko din siyang mawala. We really loved each other," He sighed. Ipinatong niyang muli ang kanyang ulo sa aking balikat. "Pero muling nagbago ang isip niya at sinabi niya ang mga salitang sinabi mo kanina. You have the same face and voice that for a moment I believed she was you but," Iniangat niya ang tingin niya sa 'kin. "Your determination is way higher than her. Your voice didn't shook. You're talking about leaving without a trace of fright in your face."

"Pero bakit ang sabi mo ay pinilit siya ng hari at reyna?"

"Totoo 'yon. Sa huling pagkakataon, nagbago na muli ang isip niya. Sinabi niya sa 'king hindi niya kaya pero huli na ang lahat. Nang araw ding 'yon na balak naming tumakas, kinuha siya at sapilitang isinama sa puno."

The SomnambulistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon