XX. New Beginning
"Wow, kailan ba ako huling umuwi dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang aming bahay. Oo, nasa mundo na ulit ako ng mga tao dahil sa kagustuhan ni Haring Vladimir. Hindi na kasi talaga ako ligtas sa mundo nila. Madaming gustong kumuha sa akin para sa pansarili nilang kapakanan. "Grabe! Namiss ko 'to!" Tumakbo na ako papasok ng bahay. Inilapag ko ang ilan kong gamit sa sahig. Pabagsak akong umupo sa couch.
"Hoy, hindi mo man lang ba ako tutulungan?!" bulyaw niya sa 'kin. Inilapag niya sa sahig ang dalawang basket ng pagkaing ipinadala bg hari at reyna. "'Wag kang paimportante dyan kung ayaw mong bigyan kita ng headchop!"
Napairap na lang ako. Ang aga-aga talak nang talak! Dinaig pa niya 'yong manok sa kapitbahay!
Tumayo ako para kunin 'yong isang basket para hindi na siya makapagreklamo. "Ang dami mong sinabi! Gusto mo lang namang tulungan kita!"
Tuluyan na niya akong nabigyan ng headchop. "Ikaw pa 'tong mareklamo, dalhin mo na nga 'yan sa kusina."
Tinalikuran ko na siya para makapagmake face ako. Dinala ko na ang basket sa kusina. Hanggang ngayon, hindi ko pa din lubusang maisip na willing akong samahan ni Nicolai dito. Ayaw nya talagang pumayag na maiwan siya sa palasyo. Inaamin kong masaya din ako dahil hindi ako malulungkot. Sanay akong mag-isa pero sa ilang linggo o halos buwan na pagtigil ko sa mundo nila ay nakasanayan ko na ang may kasama.
"Anong gagawin mo ngayon?" Inilapag niya ang dala niyang basket sa lamesa katabi ng sa bitbit ko kanina. Umupo siya sa stool.
Umupo ako sa tapat niya. Humalumbaba ako sa lamesa. Napangiti ako nang humalumbaba din siya. Ngumuso ako at ngumuso din siya. "Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ngayong nandito na ulit ako. Pag-aaral sana kaso huling-huli na ako. Baka next semester na ako pumasok para kunin ulit ang mga hindi ko naituloy na aralin."
"Kailan ba ang sunod na semester?"
"Next year pero start na ng pag-e-enrol sa October this year."
Itinaas niya ang isa niyang kilay. "Bakit hindi ka pumasok ulit para naman may mapaglibangan ka? At isa pa, pinakamahalaga ang edukasyon sa isang tao maging sa aming mga bampira."
"Kahit papaano naman pala may mabuting lumalabas sa bibig mo, ano?"
Inirapan niya ako. "Yeah, too bad for you because you're the only one who always have nothing sensible to say."
Sinipa ko siya mula sa ilalim ng lamesa. "Bakt ba ang sungit mo?"
Nakangiwi siya dahil sa sakt na natamo sa pagsipa ko. "Bakit ba ang panget mo?"
Napasinghap ako. "Akala ko ba mahal mo ako? Bakit kung malait at masungitan mo ako, wagas at walang preno?!"
Gusto kong sampalin ang aking sarili dahil sa nasabi ko. Nakakainis! Dahil sa tanong ko, nakangisi na siya ngayon na para bang inaasar ako!
"Bakit? Gusto mo bang lambingin kita? Ganoon ba ang gusto mo?" Pumungay ang kanyang mga mata. Mas lalong nadepina ang mahahaba niyang pilik-mata at ang ilalim ng kanyang mata na parang may eyeliner dahil sa maitim at mahaba niyang pilik-mata sa ibaba. "Should I shower you with my kisses? Drown you with my sweet words? Or envelop you with my arms for a hug?"
Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng aking mukha. Tumayo na ako at tinalikuran siya dahil ayaw kong makita niya ang mukha kong mas mapula pa yata sa hinog na mansanas.
Pero bago pa ako tuluyang makaalis ay nasa harapn ko na siya. Nakangisi pa rin siya. Mukhang tuwang-tuwa siya sa nangyayari sa 'kin.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Babe, you're blushing."
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Romance{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
