XXVI. The Painting
Hatinggabi na ngunit hindi pa rin ako makatulog. I don't know why I feel fidgety. Kaya naman bumangon ako sa aking kama at lumabas sa aking kwarto dito sa palasyo. Bukas pa ng umaga ako uuwi para makapasok ako sa eskwelahan. Gustuhin ko mang tumigil dito kasama si Nicolai ay hindi pwede dahil may mahalaga kaming pagsusulit bukas. Hindi ko pwedeng palagpasin 'yon. At sigurado, kapag nalaman ni Nicolai na hindi ako pumasok bukas, papagalitan ako nu'n at bibigyan ng head chop.
Lumakad ako sa madilim na hallway ng palasyo. Tanging liwanag mula sa torch lamang na nakadikit sa dingding ang nagiging daan ko para makita ang nilalakadan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kung saan na lang ako dalhin ng aking mga paa, doon na lang muna ako titigil.
Tumigil ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na pinto. Sa aking palagay, ito din 'yong pinto na puno ng painting ni Eureka. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang madilim na kwarto ngunit sapat na ang liwanag na nanggagaling sa bintana upang makita ko ang ilang gamit sa loob. Bago ako pumasok ay kumuha muna ako ng isang torch sa dingding upang malagyan ng apoy ang ilang torch na nakasabit sa loob ng kwarto.
Nang mailawan ko na ang buong kwarto ay inilibot ko ang tingin sa napakaraming painting na nakalagay sa kwarto ngunit muling nakuha ng aking atensyon ang malaking painting na nakabalot ng pulang tela. Noon ko pa gustong makita kung ano o sino ang nasa painting pero hindi ko nagawa dahil dumating si Sebastian.
Sisilipin ko lang naman at pagkatapos ay babalik na ako sa aking kwarto.
Naglakad ako patungo sa painting. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na alisin ang tela. Napaubo pa ako dahil sa gabok na nagbagsakan sa sahig at nilipad ng hangin.
Iminulat ko ang aking mga mata. Pinagpagan ko muna ang aking mga kamay. Tumingala ako at ang tanging nagawa ko lang ay mapanganga.
"Is this...Nicolai's brother?" bulong ko sa aking sarili. Mas lalo pa akong lumapit para makita ko pa nang maigi ang mukha niya.
Kamukhang-kamukha siya ni Nicolai. Ang tanging pinag-iba lang nila ay ang kulay ng kanyang buhok. Kung kay Nicolai ay kulay itim na parang uling, ang sa kanya naman ay kulay brown na parang tsokolate. Mukhang ang haba nito ay hanggang sa kanyang balikat ngunit nakatali lang sa likudan. Nakalaylay ang ilang hibla ng kanyang buhok sa magkabilang gilid ng kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay itim na itim, hindi kagaya ni Nicolai na may mga matang kulay abo. Ngunit ang ngiti niya sa painting na ito ay walang makakapantay. Parang ang saya-saya niya dito.
He's like Prince Charming.
Napadako ang aking tingin sa pinakaibaba ng painting. Nakasulat dito ang kanyang pangalan.
"Klaus Connor Archibolt," Hinawakan ko ang pangalan niyang nakasulat sa painting.
Muli kong tiningnan ang kanyang mukha. Ano kayang nangyari sa kanya? Posible kayang buhay pa siya?
"Flavia?"
Nanlaki ang aking mga mata. Humarap ako kaagad sa direksyon ng pinto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong hindi tama ang pakealaman ang gamit dito pero masyado kasi akong nacurious sa kung anong meron sa ilalim ng pulang tela na nakalapag na ngayon sa sahig.
"N-Nicolai, u-umm, s-sorry kasi pinakealaman ko ang gamit dito at saka tiningnan ko ang painting na ito."
He raises both of his eyebrows and slightly tilted his head to the side. "It's okay," Lumakad siya patungo sa 'kin. Tumingala siya para tingnan ang painting. "So you finally saw my brother, huh?"
"Yeah," Humarap ako sa painting kagaya niya. "Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nawala?"
He shrugged his shoulders. "I don't know. Ayaw sabihin sa 'kin nina Ama at Ina ang dahilan. Ang tanging sinabi lang nila ay bigla na lang nawala si Klaus. Bata pa lang ako nu'n at walang kamuwang-muwang sa mundo kaya hindi ko alam ang lahat. Pero alam ko, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang mga magulang ko na buhay pa siya."
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Romansa{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
