XIV. The Authority and the Power
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o ma-excite sa pagpunta namin sa isla ng mga werewolves. Nang malaman kong ang kagat ng isang werewolf sa isang bampira ay maaaring ikamatay ng bampira, hindi ko magawang ialis ang tingin ko kay Nicolai. Delikado kasi para sa kanya ang magpunta sa teritoryo ng mga nilalang na maaaring kumitil ng kanyang buhay. Pero hindi kami pwedeng umatras. Alam kong mas lalo lang mapapahamak si Nicolai kapag hindi namin sinunod ang gusto ni Xenon. Mukha man siyang mabait, agresibo at delikado naman siya kaya hindi kami pwedeng gumawa ng isang desisyon na ikapapahamak naming dalawa.
"Why do you keep on looking at me?" tanong sa akin ni Nicolai habang diretso ang tingin kay Xenon. Para bang binabantayan niya ang bawat galaw nito.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Kapal mo naman. Hindi ako tumitingin sa'yo." asik ko sa kanya.
Pasimple akong tumingin sa kanya at nakita ko ang ngisi sa kanyang labi. Muli akong umiwas ng tingin. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala ako sa mood na makipag-away sa kanya. Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa unahan kung saan nauunang maglakad sina Xenon.
Patungo kami ngayon sa dalampasigan kung saan may nakahanda na daw na bangka para makapunta kami sa isla nila.
Tumigil sa paglalakad si Nicolai kaya napatigil na rin ako. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit siya tumigil kasi nakita kong iniipit na naman niya ang bangs niya. Kunot-noo naman siyang pinanood nina Xenon. Napangiti na lang ako habang umiiling. Bakit kaya hindi na lang niya paputulan ang bangs niya kung parati din naman niyang iniipit?
"'Wag ka ngang masyadong paimportante, Nicolai Archibolt. Tumatakbo ang oras at hindi ka gaanong espesyal para antayin ka pa namin." asik ni Zyke. Tinapik naman ni Xenon ang kanyang balikat para patigilin siya at gaya ng ginawa niya kanina, tumahimik na siya. Napakataas talaga ng respeto niya kay Xenon para umamo siya ng ganon.
Nang matapos si Nicolai sa kanyang ginagawa ay muli kaming nagtungo sa pier. Gaya ng sabi ni Xenon ay may nag-aantay ng bangka doon. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at sumakay na kami. Mas naging masaya ang paglalakbay ko noong nakasakay ako sa barko ni Captain Black, hindi kagaya ngayon na ang tanging maririnig lamang ay ang paghampas ng alon sa sinasakyan naming bangka at pagbubulong-bulungan nina Zyke at dalawa panitong kasama. Si Xenon naman ay tahimik lamang na nakatanaw sa karagatan.
"Don't do anything stupid there, Flavia." Binigyan niya ako ng headchop. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita. "Always stay by my side. They might steal you away from me."
Puno ng sinseridad ang kanyang mga sinabi. Sumisikip ang dibdib ko habang nakatingin sa mapupungay niyang mga mata na nagpapakita ng sari-saring emosyon. Para akong unti-unting nalulunod. Nakakatakot. Nakakakaba. Nakakapanibago. Ngayon ko lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko alam kung dapat ba akong umiwas ng tingin o ubusin ang aking oras sa pagtitig sa kanyang mga mata.
"Nandito na tayo." anunsyon ni Xenon tsaka lamang kami nag-iwas ng tingin sa isa't-isa ni Nicolai.
Inalalayan ako ni Xenon pababa ng bangka at batid ko ang masamang tingin ni Zyke sa akin at masamang tingin naman ni Nicolai kay Xenon.
Pagbaba ko ng bangka ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ito na ang City of Lycanthropes. Malaking-malaki ang pinagkaiba ng bayan nila sa bayan ng mga Night Walker. Bumungad kasi kaagad sa akin ang nagtataasang puno at ang malaking kagubatan. Ni wala akong makitang bahay man lang. Sa City of Night Walker, kitang-kita kaagad ang mga bahay pati na din ang palasyo na nakatirik sa dulo ng isla.
"Sa...gubat kayo nakatira?" nag-aalangang tanong ko kay Xenon.
Itinagilid niya ang kanyang ulo at ngumiti. "No. This forest serves as a protection to our city." Ibinaling niya ang tingin niya sa kagubatan. "Pinapalibutan ng makapal at malawak na kagubatan ang aming bayan. Nasa gitna pa niyan ang mismong tirahan namin."
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Romance{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
