XIX. In My Arms

15.8K 602 28
                                        

XIX. In My Arms

Para akong nahuhulog. Hindi ko alam kung hanggang saan ang madilim na hukay na ito. Unti-unti akong nilalamon ng kadiliman. Hindi ako makagalaw. Hinayaan ko lang ang sarili ko na mahulog. Wala na din naman akong magagawa, ito na ang katapusan ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking pisngi dahil sa luha ngunit may ngiti sa aking labi. This is the end for me. I'm gonna die and rot away in here.

"Flavia!"

Napasinghap ako. Kasabay noon ang mabilis na pagmulat ng aking mga mata. Nananaginip lang pala ako. And I heard Nicolai's voice. Kinilabutan ako. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nasa isang malaking silid ako. Ang tanging ilaw lang ay isang maliit na bumbilya sa itaas ko. Hindi ko makita ang apat na sulok ng kwarto at kabuuan nito dahil sa dilim.

Nakatali ang aking mga kamay at paa sa upuan na kinalalagyan ko. What's with the cliche thing? Napabuntong-hininga ako. I'm kidnapped again. Parang wala na akong dinala sa mundo nina Nicolai kundi ang kapahamakan. Nandito ako para iligtas sila pero ako itong palaging kailangang iligtas. If only I have power like them. Pero wala. Wala akong kahit ano.

Nakarinig ako ng pag-ingit ng pinto. Kahit anong gawin kong pagtitig sa aking unahan ay wala akong makita dahil sa dilim sa buong kwarto. Mayamaya ay nakarinig naman ako ng mga yabag patungo sa 'kin hanggang sa nasa harapan ko na sila. Hindi pamilyar ang mga mukha nila sa 'kin. Nakasuot sila ng pulang robe pero ang hood ay nakaalis na sa kanilang ulo. Ang mapuputla nilang balat ay hinahagkan ng ilaw na nanggagaling sa maliit na bumbilya sa aking itaas.

Limang bampira ang nasa harapan ko ngayon. Ang kanilang mga mata ay kulay dugo ngunit normal pa rin ang kanilang mga ngipin. Ngumisi ang isa sa kanila.

"A fragile human is the one who will save our world? Ridiculous."

"Well, the fragile human you're talking about will be our key to dethrone King Vladimir."

Pinanood ko lang sila habang nag-uusap usap. Wala din namang sense kung makikisingit pa ako. Alam ko na din naman ang dahilan kung bakit nila ako kinuha. Gusto nilang makaangat sa mundong ito. Ano bang meron sa kapangyarihan? Bakit masyado silang nagpapabulag dito? Kapag naman namatay sila ay balewala lang din ang kapangyarihang meron sila.

Pero sumagi sa aking isipan na ang mga bampira ay may libong taon para mabuhay. Kung mag-iingat sila mula sa kalaban ay kayang-kaya nilang manatili habangbuhay. Kaya nila gusto ng kapangyarihan ay para maprotektahan ang sarili nila at para may pagkaabalahan sila habang nabubuhay sila nang matagal.

Lumapit naman sa akin ang isa sa kanila. Hindi ko maipagkakailang napakakikisig nila. Tama lang ang hugis ng kanilang pangangatawan pati na rin ang kanilang tangkad. Ang mapupula nilang mga mata ang kapansin-pansin sa lahat.

"Hindi ka man lang ba sisigaw? Magmamakaawang pakakawalan ka namin? Iiyak?" Ngumisi siya.

Kinilabutan ako ngunit hindi ko ipinakita sa kanilang kinakabahan ako. Ang maging kalmado at matapang sa ganitong klaseng sitwasyon ang tanging magagawa ko. "Hindi ko kailangang gawin iyang mga sinabi mo dahil alam kong ililigtas nila ako." Ngumisi din ako sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Well, how can you be so sure that they will save you?"

Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang puso kong unti-unting bumibilis ang pagtibok. Nararamdaman ko. Malapit na sila. Alam kong pupuntahan nila ako dito. Hindi nila ako pababayaan dahil sila na ang bagong pamilya ko.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay sumabay ang pagliwanag ng buong kwarto. Bumukas ang pintuan. Mula doon ay pumasok si Nicolai, Sebastian, Graysen, Xenon at iba pang mga bampira. Hindi ako makapaniwalang maging si Xenon ay kasama. Nagulat din ako nang makita ko si Zyke sa kanyang tabi. Kahit na nakasimangot siya ay sumama pa rin siya.

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon