XXV. Missing You

12.3K 492 14
                                        

XXV. Missing You

Ilang buwan na ang nakalilipas nang umuwi si Nicolai sa mundo nila pero hindi pa rin siya bumabalik. Everyday I'm missing him. I'm missing him so bad that I'm having hallucinations. Minsan akala ko nakatayo siya sa may pinto o kaya nakahiga sa kama pero pagkurap ko ay wala naman. Masama na itong nangyayari sa 'kin. Masyado kong iniisip si Nicolai. Hindi ko pwedeng ipagpatuloy 'to dahil baka makaapekto ito sa aking grades.

Itinakip ko sa aking mukha ang hawak kong photocopy ng isa sa mga chapters namin na dapat kong aralin para sa exam namin bukas. Nakatambak ang lahat ng photocopy at libro ko sa coffee table. Kasalukuyan akong nakaupo sa couch. Ang dami kong dapat pag-aralan pero si Nicolai ang laman ng aking isip. Umalis siya at hindi niya ako isinama para makapagfocus ako sa pag-aaral kaya kailangan kong gawin ang gusto niya. Baka mabigyan niya ako ng head chop kapag nalaman niyang nakakuha ako ng mababang grades.

Napahawak ako sa aking ulo. Kahit head chop niyang nakakairita, namimiss ko na din. Bumuga ako ng hangin. Sumandal ako sa couch at tumingin sa kisame. Wala nang pumasok sa isip ko. Mamaya na lang ako mag-aaral.

"Ahhh! Hindi pwede 'to!" Muli kong isinubsob ang aking mukha sa hawak kong photocopy. "Flavia, focus! Focus! Focus!"

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong inilabas ang hangin mula sa aking bibig. Hindi ko dapat iniisip si Nicolai dahil alam kong maayos ang kalagayan niya sa mundo niya, mas maayos sa naging karanasan niya dito. He'll come for me, I know it. Hindi dapat ako mag-alala.

With that, nagsimula na ulit akong mag-aral. May goal ako na makakuha ng mataas na grade. Hindi man ako maging dean's lister, mas mahalaga sa 'kin na hindi ako mahulog sa mga subjects ko.

Pagkatapos ng ilang oras ng pag-aaral, niligpit ko na ang gamit ko. Pakiramdam ko kasi sasabog na ang utak ko sa sobrang dami kong pinag-aralan. Limang subject ang may exam bukas at karamihan ay more on terms and definitions. Malamang ang types of test ay identification at enumeration kaya puro saulohin ang hinarap ko.

Tumingin ako sa orasan. Alas kwatro pa lang ng hapon. Nagtungo ako sa kusina upang maghanap ng makakain. Laking pagtataka ko nang makita ang isang pink na box sa gitna ng lamesa. Luminga ako sa paligid. Saan naman nanggaling 'to?

Binuksan ko ang box. Kulang na lang ay maglaway ako nang makita ang strawberry cake sa loob. 'Agad ko itong inilabas. Kumuha ako ng plato at tinidor para simulan nang kainin ang cake. Kung sinoman ang nagpadala nito, tahimik na lang akong magpapasalamat sa kanya, at kakainin ko ng maayos ang cake na 'to. Natawa ako sa aking sarili. Hindi na mahalaga kung saan galing ito, basta mabubusog ako.

Hahatiin ko na sana 'yong cake nang mapansin ko ang maliit na piraso ng papel na nakaipit sa ilalim ng kahon. Ibinaba ko muna ang aking tinidor. Kinuha ko ang note.

I missed you. I really want to see you.

Nicolai

Napasinghap ako. Galing ito kay Nicolai? Pero bakit wala siya dito? Bakit hindi niya personal na ibigay sa 'kin ang cake na 'to? Baka isa ito sa mga mahika ni Graysen para maipadala ang cake sa 'kin. Nakaramdam ako ng pagsikip ng aking dibdib. Gustong-gusto ko na din siyang makita. Sa ilang buwan niyang pagkawala, hindi man lang siya dumalaw sa 'kin. Ganoon na ba kalala ang nangyari sa kanya pero matagalan siya sa pagbalik?

Ilang minute akong tumitig sa note na nanggaling sa kanya.

Pabagsak kong inilagay ang note sa lamesa. Tumayo ako.

"I can't take this anymore."

Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto upang makapagbihis. Wala na akong pakealam kung hindi pa siya magaling. Gusto ko siyang makita. Wala na din naman akong gagawin. Dadalawin ko lang siya saglit at bago mag-umaga ay babalik ako para pumasok sa eskwelahan. Alam kong may malaking dahilan kung bakit hindi nagawa ni Nicolai na dalawin ako dito o kaya silipin man lang. Kung hindi niya kaya, ako ang gagawa.

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon