XLIII. First Prince

11.4K 444 43
                                        

XLIII. First Prince

Nauubusan na ako ng oras pero ni katiting na impormasyon tungkol sa aking bloodline ay wala akong mahanap. It was like this library packed with countless books and thousand journals were for nothing.

"Goddamn it," bulong ni Seb. "Limang araw na lang."

Tinutukoy niya ay ang kasal nina Nicolai at Milleya, maging ang pagsanib ko sa puno. Hindi ko na inaalala ang bagay na 'yon dahil alam kong babalik lang sa 'kin ang sakit.

Nandito pa rin kami sa library. Sumuko na din kami sa paghahanap dahil malakas ang pakiramdam ko na wala dito ang hinahanap namin. Ipapaubaya ko na lang kay Graysen ang lahat tutal nagreresearch naman siya tungkol doon. Sana masabi man lang niya sa 'kin bago ako mawala.

Kahit na Giver of Life ang mga Faux, palaisipan pa rin sa 'kin kung bakit kami lang. Bakit nagkaroon ng koneksyon ang pamilya namin sa mundong 'to? Madami pa akong katanungan. Sana masagot ang lahat ng 'yon bago dumating ang tamang oras.

Narinig namin ang malakas na tunog ng kampana. Nagkatinginan kami ni Sebastian. May malaking kampana kasi dito sa palasyo na pinapatunog lang kapag may mahalagang sasabihin ang Hari at Reyna o kaya naman kapag may masamang nangyayari.

Hindi na kami nagsalita pa para magtanong sa isa't-isa. Sabay kaming lumabas ng library at nagtungo sa labas ng palasyo.

Lahat ng maharlika ay nandito. Walang mga bampira mula sa labas dahil umaga pa. Malamang ay tulog pa sila.

Tumingala ako sa malaking balkonahe. Nakatayo doon ang Hari at Reyna kasama sina Nicolai at Milleya. Napansin ko naman sa ibaba ang isang platform. Nakakalat din ang kawal sa paligid. Anong nangyayari?

"Tinipon ko kayong lahat dito upang sabihin sa inyo na nagbabalik na ang unang prinsipe ng Archibolt,"

Napasinghap ang lahat sa gulat. Nagsimula silang magbulung-bulungan. Hindi nakalagpas sa 'kin ang gulat sa mukha ni Nicolai.

Maging ako ay nagulat. First Prince of Archibolt Clan. Walang iba kundi si Klaus. Naguguluhan na ako. Kaya ba bigla siyang nawala dahil dito?

"Alam kong malaki ang kasalanan na ginawa niya ngunit bilang hari at ama, handa akong ibalik sa kanya ang karapatan niya sa palasyong ito," Inilibot niya ang tingin sa lahat. "Maaaring ang iba sa inyo ay tutol dito ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ko pagsisisihan ang desisyon kong ito."

Maya-maya ay may dumating na mga kawal. Kasunod nilang naglalakad ay si Klaus. Kahit na nakasuot siya ng magarang damit, kitang-kita ko ang malalim niyang mga mata. Napansin ko din ang pasa sa gilid ng kanyang labi. Ano'ng ginawa nila sa kanya? He looked like a living dead. His eyes mirroring hurt and anger.

Naikuyom ko ang aking kamao. This is not right. Oo, alam kong gusto ni Klaus na maibalik ang karapatan niya bilang prinsipe pero hindi ito ang inaasahan ko. Bakit pakiramdam ko pinilit lang siya dito.

Umakyat siya sa platform. Tahimik ang buong paligid. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya.

"I'm Klaus Connor Archibolt, the First Prince of the Archibolt Clan," I shivered because of his cold voice. Inilibot niya ang kanyang tingin at nagtama ang aming mga mata. Sa maikling oras, nakita kong nagbago ang ekspresyon niya ngunit nagbalik na ulit sa dati nang umiwas siya ng tingin. "Humihingi ako ng tawad sa lahat ng aking ginawa. Nandito ako sa inyong harapan para sabihin sa inyo na handa kong gawin ang lahat mapunan lang ang responsibilidad ko bilang prinsipe. Kung matatanggap niyo ako, maraming salamat. Kung hindi man, sisikapin kong matanggap niyo akong muli."

Nagpalakpakan silang lahat. Nakita ko ang galak sa mukha ng Hari at Reyna. Si Nicolai naman ay masama ang tingin kay Klaus.

Lumakad ako para lapitan si Klaus na pababa ng platform pero pinigilan ako ni Seb.

The SomnambulistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon