XLII. Cold Heart

10.9K 444 54
                                        

XLII. Cold Heart

I didn't know that there will come a time where all I can feel were emptiness and coldness. I couldn't even smile. I couldn't even laugh. Para akong isang robot na walang emosyong kayang ipakita.

I sighed as I gaze outside the window. Nasaan na kaya si Klaus? Dalawang araw na siyang hindi pumupunta dito. Ang sabi niya hindi siya aalis.

Napailing na lang ako. Bakit nga ba ako umaasang babalik si Klaus? Baka nagpakalayo-layo na 'yon. He can't keep up with me. He must be tired of watching over me.

I wanted to get sad because he's not here but I'm not capable of feeling anything right now. My heart was numb already. Sa sobrang sakit, hindi ko na maramdaman pa.

Naisipan kong lumabas ng kwarto. Ayokong isipin nila na nagmumukmok ako dahil ngayon pa lang pinaghahandaan na nila ang magiging kasal nina Nicolai at Princess Milleya. Gusto kong ipakita sa kanila na okay lang sa 'kin ang lahat. At kung sabihin ko mang hindi, may magagawa pa ba ako?

"Flavia!"

Lumingon ako sa aking likudan. Nakita ko si Sebastian na tumatakbo palapit sa 'kin.

Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi ko na magawang ibalik ang dati kong ngiti. It was forced. It didn't reached my eyes.

"Hi." bati ko sa kanya.

He shivered. "God, Flavia. You're too cold!" ngumiwi siya. "You're like an ice princess. Simula nangㅡ" Hindi na niya itinuloy ang kanyang sasabihin. "Ah, nevermind. Why don't you join us for tea? Kasama nga lang natin ay sina Nicolai at Princess Milleya."

I shrugged my shoulders. "Why not?"

Mukhang nagulat siya sa naging sagot ko. "W-well, I'm just joking. Hindi mo naman kailangang sumama kungㅡ"

I cut him off. "I don't care if they eat each other out in front me. I stopped caring. And I will never care."

He sighed. He held my hand in a brotherly gesture. "Okay. Pero kung gusto mo nang umalis, sabihin mo lang sa 'kin."

"Oo na po, Kuya." I said playfully. He laughed.

Sabay kaming lumakad patungo sa gazeebo sa isang parte ng hardin. Naabutan namin doon sina Nicolai at Princess Milleya na nag-uusap.

Nag-angat sila ng tingin nang pumasok kami sa loob.

"Why is she here?" iritadong tanong ni Milleya.

Oh, I'm tired of calling her Princess Milleya so I'll stick with her name.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya ngunit sa huli siya na din ang nagbawi na parang napaso sa nagliliyab na apoy.

Tiningnan ko si Nicolai na nakatingin sa akin. Bahagya akong nagtaas ng kilay. Kagaya ng reaksyon ni Milleya, nag-iwas din siya ng tingin.

"Niyaya ko siya dito," nakangiting sabi ni Sebastian. Pinaghila niya pa ako ng upuan. I whispered thank you to him.

Pinagmasdan ko naman ang pabilog na lamesa. Nakapatong dito ang isang tea set. May iba't-ibang klase din ng pagkain kagaya ng sandwiches, cupcakes, tarts at fruitcakes.

I helped myself and poured tea in my cup. Pakiramdam ko ay lahat sila ay nakatingin sa aking ginagawa. Pinili kong huwag na lang iyong pansinin. Habang umiinom ng tsaa ay kumain na din ako. Oh, this sandwich was so good.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Sebastian. "Poker face pero alam kong nag-eenjoy sa pagkain. Maglabas ka naman ng kahit anong emosyon. You look like a blank paper."

"Well, it was easier to not feel anything than dying in pain," I said nonchalantly.

Natahimik si Sebastian. Muli, binalot na naman kami ng katahimikan. Oh well, this is awkward. I laughed sarcastically. Yeah, awkward for Nicolai and Milleya. I don't feel any awkwardness at all. In fact, I felt laid back. Hindi ko inakalang mahaharap ko sila nang hindi nasasaktan o umiiyak. Mas gusto ko ang ganito. Hindi ako nagmumukhang mahina.

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon