XXI. Changes

14.8K 495 31
                                        

XXI. Changes

Hindi ko alam kung bakit naging awkward ang atmosphere nang dumating si Sir. Ralph. Ramdam na ramdam ko din ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Nicolai. Nakaupo ako sa gitna nilang dalawa. Kulang na lang ay magpatayan sila sa tingin. Wala naman akong magawa kundi ang i-focus ang aking tingin sa harapan, sa pag-agos ng tubig sa ilog.

"U-Umm, kamusta na nga pala, Sir. Ralph?" pagbasag ko sa katahimikan.

"I'm fine," nakangiting sagot niya. "Nagtuturo pa rin ako. How about you? Are you staying here again for good?" Sumulyap siya kay Nicolai.

Tumingin naman ako kay Nicolai. Nakanguso siya at nakakunot ang noo. Parang may isang bagay siyang hindi niya gusto. Ganyan siya kapag naiinis siya. Ano naman ang kinaiinis niya?

"Oo, eh. Dito muna ulit ako titigil, umm, kasama si Nicolai," Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon o parang kumislap ang mga mata ni Sir. Ralph? Iniiling ko ang aking ulo. Baka dahil lang sa sinag ng araw. "Balak ko sanang pumasok next semester para kuhanin ulit ang mga subjects na naiwan ko noon."

Ngumiti siya. "That's great! Kung ganoon, hihintayin kita. Mas maganda kung unahin mo muna ang pag-aaral mo dahil pinakamahalaga iyon. Good luck!"

Napangiti na lang din ako. Nakakahawa ang ngiti sa kanyang mga labi. Mukhang ang saya saya niya talaga. "Gusto ko lang malaman kung...nandoon pa ba ang mga estudyanteng madalas mangbully sa 'kin?"

Natahimik siya saglit. "Yes, they're still there. Especially Brittney."

Hindi na ako nagsalita pa. Hindi naman sa natatakot ako pero ayaw ko na kasing mangyari ulit ang mga nangyari dati. Gusto kong magkaroon ng payapang buhay sa eskwelahan. Gusto kong maranasan 'yong mga nararanasan ng ibang estudyante na mayroong mga kaibigan at mayroong masayang karanasan sa eskwelahan. Ayokong makapagtapos ako na wala man lang magandang nangyayari sa 'kin.

"Bakit hindi magawang protektahan ng institusyon niyo ang isang estudyante na napapagkaisahan ng mga estudyante? One person can protect her but why there was no one who stood up for her?" Napatingin kaming dalawa kay Nicolai. "I can even protect her by myself but why is your school can't?"

"Nicolai," Hinawakan ko ang kanyang kamao na nakakuyom.

Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. 'Yan din ang mga naging tanong ko sa aking sarili noong unang beses akong nabully hanggang sa tumagal na nang tumagal. Bakit wala man lang magtanggol sa 'kin? Bakit pakiramdam ko nag-iisa na lang talaga ako? Bakit hindi ako magawang protektahan ng apat na sulok ng eskwelahan na ito na nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga estudyante?

"No, Flavia, listen, this jerk," Itinuro niya si Sir. Ralph. "He's one of your professors, right? Why didn't he protect you? Oh, yeah, just like all of them, all the people in your school, he's useless."

Pabagsak na binitawan ni Sir. Ralph ang kanyang fishing rod. "Yeah, I didn't stood up for her but I always make her feel that she's not alone. Palagi kong pinaparamdam sa kanya na kahit anong mangyari, nandito lang ako kaya 'wag kang magsalita na parang alam mo lahat."

Ngumisi si Nicolai. "Yeah, maybe I didn't know anything but from now on, I will always protect her even from you."

Hinawakan ni Nicolai ang aking kamay. Hindi pa siya nakuntento, pinagsalikop pa niya ang aming mga daliri. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking pisngi sa sobrang init. Hinila niya ako palayo sa ilog hanggang sa makarating kami sa bangin na overlooking ang buong probinsya namin.

Tinangay ng malakas na hangin ang aking buhok. Pinagmasdan ko siya habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at nakatingin sa malayo.

Napansin kong maigting pa rin ang kanyang panga. Mukhang galit pa rin siya.

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon