XL. Ripped Into Two
I woke up with a heavy feeling in my chest. I barely managed to get out of my bed to do my daily routines. My body was so weak I felt like I would collapse any minute. But despite all these, I forced myself to get out of my room to see Nicolai.
Namimiss ko na kasi siya. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ni hindi siya dumadaan sa kwarto ko para bisitahin ako kagaya nang ginagawa niya noon. Kapag abala siya sa gawain sa palasyo, hindi niya pa rin kinakalimutan na silipin man lang ako. Pero nag-iba nang dumating si Princess Milleya dito. Ayoko siyang sisihin pero sa palagay ko ay si Nicolai ang nag-aasikaso sa kanya. Hindi siguro makatanggi si Nicolai dahil kabilang sa royal family ito o kaya baka inutusan siya ni Haring Vlad.
"Binibining Flavia, okay ka lang ba? Maputla ka yata?" tanong ng isa sa katulong na nakasalubong ko sa hallway.
Ngumiti ako sa kanya. Kahit na medyo masama nga ang pakiramdam ko, nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong makita si Nicolai. "Okay lang ako," Hinawi ko ang aking buhok. "Si Nicolai? Nakita mo ba siya?"
Parang nag-alangan pa siyang sabihin sa 'kin kung nasaan si Nicolai pero kalaunan ay sinagot din niya ako. "Nasa hardin po siya."
"Salamat."
Lumakad na ako patungo sa hardin. Hindi ko maitago ang pananabik na makita siya. Napangiti ako. Abala siya bilang prinsipe, naiintindihan ko 'yon, kaya naman ako na lang ang gagawa ng paraan para makasama siya. Hanggat may oras pa.
Nakarating na ako sa hardin na hindi ko man lang namamalayan. Puro kasi si Nicolai ang aking naiisip. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita na halos ang sakit na. Baka hindi na kayanin ng puso ko kung magtatagal pa na hindi ko siya nakikita.
I walked towards the garden filled with different kinds of flowers, making it look like a paradise. The butterflies were flying around like they were playing. I sighed. This place was so relaxing.
Hindi mawala ang ngiti ko habang nilalakad ang hardin. Hindi ko pa makita si Nicolai dahil masyado itong malawak at may ilan ding mga puno.
Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng mga boses. Binilisan ko pa ang lakad. Habang papalapit ako ay naging pamilyar na sa 'kin ang boses na naririnig ko.
Paglabas ko sa gitna ng ilang mga puno ay naabutan ko sina Nicolai at Princess Milleya na nakaupo sa bench. Nagtatawanan sila habang nagkekwento sa isa't-isa. Magkalapit din sila sa pagkakaupo na halos magbunggo na ang balikat nila.
Nabura ang ngiti sa aking labi. Sumikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga. Hindi ko maiwasang maisip na dapat ako 'yon, na dapat ako ang kasama niya. Namuo ang luha sa aking mga mata. Hindi lang ang nakikita ko ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Nagagawa niyang samahan si Princess Milleya nang matagal pero ni hindi man lang niya ako masilip sa kwarto ko. Ni hindi man lang niya ako kamustahin.
Bumuntong-hininga ako. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Pinunasan ko ang luhang nakawala sa aking mga mata.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Nicolai,"
Sabay silang napatingin sa 'kin. Nawala ang ngiti sa kanilang labi na para bang kasalanan ko na naistorbo ang pagkekwentuhan nilang dalawa. Pinigilan kong mapaluha.
Tiningnan ko si Nicolai. Walang emosyon sa kanyang mga mata. Pilit kong hinahanap dito ang tinging ipinupukol niya sa 'kin noon pero wala akong makita na kahit ano.
"Kailangan nating mag-usap,"
"Wait, you're rude. Nag-uusap pa kaming dalawa," maarteng sabi ni Princess Milleya.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampire{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
