XLVII. I'm Sorry
Hindi ko magawang makagalaw habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi ni Graysen sa aking isipan na alam kong napapakinggan din nina Nicolai, Sebastian at Xenon base sa reaksyon nila.
Sinisimulan na ni Graysen na sabihin ang lahat tungkol sa ritwal.
Flavia, damn!
Ilang beses pang napamura si Graysen. Mukhang hindi niya alam ang sasabihin.
Graysen, tama na. Matatapos na ang ritwal. Wala ding saysay kung sasabihin mo.
Hindi, Flavia. May karapatan silang malaman. Hindi ako naggugol ng mahabang oras para lang malaman ang lahat.
Napangiti ako nang mapait. Kaya pala nawala ng ilang araw si Graysen upang maghanap ng impormasyon tungkol sa 'kin. Tinulungan na naman niya ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya pasasalamatan.
Salamat sa lahat, Graysen.
Muli siyang napamura. Don't give up!
Listen, Nicolai, Sebastian and Xenon. Hindi totoo ang sinabi ng Hari't Reyna pati na din ni Eureka. Maaari pang makabalik si Flavia pagkalipas ng isang daang taon ngunit kapag natuloy ang ritwal, hindi na mangyayari 'yon. Mapupunta kay Eureka ang kapangyarihan na manggagaling sa puno.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Wala na akong nagawa kundi ang pakinggan ang mga sinasabi ni Graysen. Ngunit malaman man nila, wala na din silang magagawa.
Narinig kong napamura si Sebastian.
Damn it! They betrayed us!
Flavia, we'll save you! Dinig ko namang sabi ni Xenon.
Hindi niyo na kailangang gawin 'yon. Matatapos na ang ritwal. Hindi niyo na sila mapipigilan. Salamat sa inyong lahat. Sana kahit wala na ako, maalala niyo na minsan sa buhay niyo, dumating ako. Sana bahagi pa rin ako ng puso niyo.
Inimulat ko ang aking mga mata. Si Nicolai ang una kong nakita dahil nasa tapat ko siya. Nakatitig siya sa 'kin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit mayamaya ay may luhang unti-unting tumulo sa kanyang mga mata. Parang piniga ang aking puso dahil sa aking nakita.
Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya. Nakita ko ang lungkot, galit at sakit sa kanyang mga mata. Tumakbo siya palapit sa 'kin ngunit hinarangan siya ng mga kawal.
"Fuck! Let me go! Niloko niyo 'ko! Sabi niyo makakabalik siya! Sabi niyo kapag pinakasalan ko si Milleya pababalikin niyo siya!" Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng aking paghagulhol. Panay ang pagpiglas niya sa mga kawal para makalapit sa 'kin. "S-sinaktan ko siya para sa wala! Akala ko para sa kanya ang ginagawa ko pero niloko niyo 'ko!"
"Nicolai! Ano ba'ng pinagsasasabi mo?! Alam mo naman ang mangyayari kapagㅡN-Nico, h-hindi ako makahinga!"
Nagulat ang lahat sa nangyayari. Sinakal ni Nicolai si Milleya. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Wala naman akong magawa para pigilan siya dahil hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Sina Haring Vlad at Reyna Selena ay patuloy sa pagbigkas ng ritwal at si Eureka ay nakatayo lamang habang nakapikit ang mga mata. Habang natagal ay palaki nang palaki ang itim na liwanag sa kanyang katawan.
"Nicolai!" nagawa kong isigaw.
Tumigil siya sa pagsakal kay Milleya. Napaupo ito sa lupa. Muli siyang tumakbo palapit sa 'kin ngunit hindi na siya nagawa pang pigilan ng mga kawal dahil humarang ang buong pack ni Xenon. Si Sebastian naman ay kinampihan din ng ilang maharlika. Ang mga warlock naman ay nakamasid ngunit mukhang nakahanda na din.
Inilahad ko ang aking kamay kay Nicolai. Mas lalo akong nagliliwanag at pakiramdam ko ay unti-unti na akong nawawala. Alam kong ilang minuto na lang ay magiging enerhiya na lamang ako ng puno.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampire{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
