VI. Night Walkers

23.4K 865 37
                                        

VI. Night Walkers

Bugnot na bugnot pa rin si Nicolai kahit na nakaalis na kami sa Inn ni Graysen. Ayaw ko pa sanang umalis kasi masarap kakwentuhan si Graysen kaso mapilit talaga ang bampirang 'to. Wala na yata siyang ginawa kundi ang magsungit at sumimangot. Ngingiti siya pero puno naman ng sarcasm at ngingisi siya para lang mang-asar.

"Bukod sa mga fangirls mo, bakit nagsusungit ka na naman?"

Kung may isa akong bagay na nalaman sa kanya, hindi lang siya basta-basta nagsusungit kung walang dahilan. Nung una akala ko masungit at bugnutin lang talaga siya pero sa maikling araw at oras na kasama ko siya ay nalaman kong mabilis lang siyang mainis sa mga bagay-bagay.

"They're not fangirls. They're obsessed!" frustrated na sabi niya. "They're always like that. Following me like a fucking dog. Can they just get a life?"

Napatawa na lang ako sa naging outburst niya. "You can't blame them. They like you."

"You mean they like me because of my looks?"

I shook my head while smiling. "You're really confident to yourself, eh?"

Tumigil siya sa paglalakad at nagpamewang. "Of course! Well, look at me, I'm the most handsome creature in this world." ini-spread pa niya ang kanyang dalawang kamay.

Inirapan ko siya dahil sa kahanginan niya. "Paano tayo pupunta sa isla niyo? May sasakyan ba tayo?" pag-iiba ko ng usapan. Medyo kinakabahan ako dahil makakaharap ko ang isang tunay na hari. Ano kayang itsura ng kanyang ama? Baka mas malala sa kanya? Siguro matapang ang kanyang ama at puno ng awtoridad. Mas lalo akong kinabahan.

"There's a ship in the dock that will take us there." sagot niya. "Ah, kundi lang dahil sa kailangan kang makilala ng buong kaharian ay hindi talaga ako uuwi doon, eh."

"Kailangan mo pa ring umuwi, Prinsipe ka, eh." wika ko. "Teka, paano nga palang hindi ka nasusunog dahil sa araw? Hindi ba't dapat ay abo ka na ngayon?" Ang taas pa man din ng sikat ng araw at sobrang init pa!

Iniangat niya ang suot niyang kwintas. Kulay silver ito at pabilog. Sa gitna ng bilog na pendant ay may pabilog ding kristal na kulay pula. "Dahil dito." sagot niya. "Nagsisilbi siya bilang protector ko sa araw kaya naman kahit na magpalakad-lakad ako sa ilalim ng araw ay ayos lang."

"Lahat ba ng bampira ay may ganyan?"

Nakarating na kami sa may pier at nakahanda na ang barkong sasakyan namin.

"Hindi lahat. Madalas ay mga maharlika lamang ang mayroon nito. Ang mga normal na bampira ay madalas na tulog sa umaga at sa gabi lang sila gumigising."

Sumakay na kami sa barko. Tumingala naman ako para tingnan ang kalangitan pero napakunot ang noo ko nang makita sa layag ang isang tatak ng bungo doon. Ang bungo ay nakasuot ng sumbrerong pampirata at sa likudan nito ay magkakrus na espada.

"T-Teka, mukhang mali yata ang barkong sinakyan natin." sabi ko kay Nicolai habang hawak ang laylayan ng damit niya. May masama akong pakiramdam dito. Kung hindi ako nagkakamali, barko ng pirata ito dahil sa nakita kong tatak sa layag nito.

Tumingin siya sa akin. "Huh?"

Bago pa ako muling makapagtanong sa kanya ay may lalakeng lumapit sa akin. Sa itsura pa lang niya ay mukha na siyang pirata ngunit hindi ko mapapagkailang napakakisig niya. Nasasabi ko lang na pirata siya dahil sa suot niya pati na din ang espada na nasa kanyang gilid. Sumunod na dumating ay sa palagay ko ay ang mga kawan niya ngunit napangiwi ako nang makita ang kanilang mga itsura. Mukha silang hindi naliligo. Sa iginwapo ng kapitan nila, siya namang...uhh...ikinapanget nila.

"Ahoy, Prince Nicolai Archibolt!" masiglang bati ng kapitan at nakipag-fist bump pa kay Nicolai.

"Long time no see, Captain Black Lowther."

The SomnambulistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon