XXXVIII. Going Back

10.3K 425 14
                                        

XXXVIII. Going Back

One month left...

Unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng aking katawan na para bang may humihigop sa lakas ko. Hindi ko iyon ipinapakita kay Nicolai dahil alam kong mag-aalala lang siya. Ayokong dumagdag sa mga bagay na iniisip niya. Ayokong makita niya na nahihirapan ako.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Madalas akong nahihirapan sa paghinga. Kadalasan ay hindi na ako lumalabas ng kwarto para mapreserba ang lakas ko. Para akong nauupos na kandila dahil sa pagbibigay ko ng lakas sa puno. Ilang linggo na lang, tuluyan na akong sasama sa puno.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng aking kwarto kung saan kitang-kita ang kabuuan ng syudad. Sa mga panahon na itinigil ko dito, natutunan kong mahalin ang mundong 'to. Natutunan kong magmahal ng lubos. Natutunan kong pahalagahan ang aking buhay. Hinding-hindi ako magsisisi sa desisyong gagawin ko. Hindi naman iyon para sa sarili ko lang, para sa kanilang lahat 'yon.

Natigil ang aking pagmumuni-muni nang makarinig ako ng yabag mula sa balkonahe. Napabuntong-hininga na lang ako. Nandito na naman siya.

"Oh? Ano na namang trip mo at nandito ka na naman?" salubong ko sa kanya.

Komportable naman siyang umupo sa mahabang couch. "Bakit, masama ba?" Kumuha siya ng isang pirasong cookies na nakapatong sa lamesa.

"Hindi naman. Ang masama ay kapag may nakakita sa 'yo dito. Baka nakakalimutan mong kalaban pa rin ang turing nila sa 'yo."

Nagkibit-balikat siya. "I don't care. I won't do anything to harm anyone so don't fret."

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Napapadalas ang pagpunta niya dito. Palaging sa balkonahe siya dumadaan. Kapag tinatanong ko siya kung bakit siya nandito, ang palagi lang niyang sinasagot ay bored daw siya.

"You look pale," He looked at me intently. "Your life force is fading because of the tree." Hurt passed his eyes. Siguro ay naalala na naman niya si Lola Flaudia. Hindi ko siya maintindihan. Alam kong nandoon pa rin ang sakit sa puso niya pero bakit palagi pa rin siyang nagpupunta dito kung makita niya lang ako ay nasasaktan siya?

"I'm okay," Umupo ako sa couch sa tapat niya. "Expected ko na na mangyayari 'to. Naihanda ko na ang sarili ko."

"But that brat will never be ready," He's talking about Nicolai. "Kahit na hindi ko siya kasundo, sa napakahabang panahon na wala ako, minamatyagan ko pa rin siya. Nagawa kong kilalanin siya kahit na hindi kami nagkikita o nagkakausap man lang."

Nicolai, huh? Napangiti na lang ako nang mapait. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ipinapaliwanag ang engagement nila ni Princess Milleya. Ni hindi ko na nga siya gaanong nakikita. Umalis at nakabalik ako sa palasyo noong isang gabi na hindi man lang niya nalalaman. Sa ilang araw na hindi ko siya nakikita, si Klaus ang nakakausap ko. Ngayon mas napatunayan ko na na hindi siya masama. Nagawa ko na siyang patawarin sa mga nagawa niya.

"You haven't gone home yet, right?" Isinuklay niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Mas lalo siyang nagmukhang bata dahil nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok. His face is small like a girl but everything he does screams manliness. I gasped when his dark eyes focused on mine. "Do you want to check on your friends?"

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang tanong. Gustong-gusto ko nang umuwi para malaman kung okay lang ba sina Zeeya, Lucy at Ashton kaso wala akong pagkakataon. Alam kong hindi ako papayagan ni Nicolai na mag-isa. Hindi ko naman siya mayaya dahil madami siyang ginagawa.

"Hey," Napatingin ako kay Klaus na nakatayo na ngayon at nakapamulsa. "Do you want to go?" muling tanong niya.

Sunod-sunod ang pagtango na aking ginawa. "O-oo! Gusto ko!"

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon