X. The One Who Cares
Kasalukuyan akong nakasilip sa bintana mula sa aking kwarto. Sobrang bored ako ngayon dahil wala akong magawa na kahit ano. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa isang araw – ang gumising, kumain, tiisin ang pangungulit ni Sebastian, makatanggap ng headchop kay Nicolai kapag naiinis siya sa akin at dadating na naman ang gabi, tutulog na naman at kinaumagahan, ganoon na naman ang mangyayari. Hindi kasi ako kaagad palabasin ng palasyo dahil sa nangyari noong isang araw. Nag-aalala daw sa akin si Haring Vlad at Reyna Selena. Baka daw mapahamak na naman ako.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ano na kayang nangyayari sa tunay kong mundo? Kamusta na kaya ang bahay ko doon?
Bigla akong napatayo. Naitampal ko na lamang ang aking kamay sa aking noo. Bakit ngayon ko lang naalala ang bahay namin? Hindi ko na naisip na dalawin iyon. Iyon na lamang ang alaalang iniwan sa akin nina Mama at Papa kaya naman hindi ko dapat iyon pabayaan.
Mabilis akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kwarto ni Nicolai na hindi kalayuan sa kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Ito ang unang beses na masisilip ko ang kwarto niya. Hindi ko maipagkakailang gusto ko ding makita kung anong itsura ng kwarto niya. Malinis kaya ito? Madumi? Makalat? Napasinghap ako. O kaya may mga posters ng mga hubad na babae at mga porn magazines at DVDs? Iniiling ko ang aking ulo. Hindi uso sa kanila iyon dito. Kumbaga ang mundo nila ay makalumang mundo. Hindi kagaya ng teknolohiya sa mundo ng mga tao, ang mundong ito ay walang kahit anong magarang teknolohiya na nauuso sa kabila.
Pagkatapos ng ilang katok ay binuksan na niya ang pinto. Mukhang bagong gising lang siya dahil gulo-gulo pa ang kanyang buhok. Half-open pa ang kanyang mga mata at higit sa lahat, wala siyang suot na pang-itaas. Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit na hindi pa siya naliligo at halatang bagong gising lang ay napakagwapo pa rin niya.
"What do you want?" paos na sabi nito. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata gamit ang kanan niyang kamay at ang kaliwa naman ay pinangkakamot niya sa abs niya este sa tiyan niya. "Istorbo."
Inirapan ko siya. "Gusto kong umuwi."
Humikab siya. Sumandal siya sa may amba ng pintuan. "Why?"
"Kailangan kong bisitahin ang bahay namin. Hindi ko iyon pwedeng pabayaan." sagot ko sa kanya. "Iyon na lang ang iniwan sa akin nina Mama at Papa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag pinabayaan ko lang iyon."
Matagal niya akong tinitigan. Maya-maya ay tumango na lamang siya. Hindi na siya nagsalita pa at lumakad na siya papasok sa loob. Naiwan naman ako sa labas ng kwarto niya at hindi malaman ang gagawin. Anong ibig sabihin nang tangong iyon? Ibig sabihin ba ay payag siyang umuwi ako?
"Aalis na ako ngayon. Babalik na lang ako mamayang gabi."
Tumalikod na ako at lumakad palayo pero nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na siya. May suot na siyang damit at may tuwalyang nakasampay sa kanyang balikat, mukhang naghahanda siya para maligo. Tumingin pa ako sa kwarto niya at muling tumingin sa kanya. Nakalimutan kong mabilis nga palang gumalaw ang mga bampira.
"Sinong may sabi na aalis kang mag-isa?" inis na sabi niya. "Wait here. I'll go with you."
Iyon lang ang kanyang sinabi at pumasok na siya sa kanyang kwarto. Napakibit-balikat na lamang ako at gaya ng kanyang sinabi ay inantay ko na lamang siya sa labas ng kanyang kwarto. Nakakahiya naman kung doon pa ako sa loob mag-aantay at tsaka baka mangyari na naman ang nangyari noon sa bahay ko. Pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong mukha dahil sa aking naisip. Hindi ko naman ginusto na makita ang kabuuan niya noon, eh!
Wala pang ilang minuto ay lumabas na siya ng kwarto. Nakabihis na siya at nagpupunas pa siya ng basa niyang buhok. Mukhang nagmadali siya, ah?
"Hindi mo naman kailangang magmadali. Mag-ayos ka muna ng sarili mo. Kaya ko pa namang mag-antay." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampire{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
