XIII. Werewolves
Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng damit ni Nicolai. Isiniksik ko din ang sarili ko sa likudan niya. Unti-unting binabalot ng takot ang aking puso. Isama pa ang pagpatay-bukas ng ilaw dito sa may salas. Pakiramdam ko din ay parang may nagmamasid sa amin at kapag gumalaw kami ay may mangyayari sa aming masama.
"Don't be scared. Everything will be okay." bulong ni Nicolai.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "No, it won't. I can feel it." sagot ko sa kanya. "Anong ibig mong sabihing werewolves? Bakit sila nandito? Anong kailangan nila sa akin?"
Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Hindi ko din alam kung bakit sila nandito pero alam kong hindi ka nila sasaktan. Ikaw ang pag-asa ng mundo namin kaya ikaw ang pag-asa naming lahat. They won't do anything to harm you."
"Pero bakit nila kailangang gawin 'to sa bahay ko?!" Muli kong inilibot ang aking tingin sa buong salas. Paano nila ipapaliwanag ang ginawa nila? Kung wala silang balak na masama, hindi na nila dapat idinamay ang bahay ko! Kung may isa pa akong dapat protektahan, iyon ay ang aming bahay na kinalalagyan ng masasayang alaala na magkakasama pa kami nina Mama at Papa.
"Werewolves are always impatient, livid, moody and aggressive. Nature na nila ang manira ng mga bagay dahil galit sila o kadalasan ay dahil nag-antay sila ng matagal. They're animals so expect them to act like one."
Naintindihan ko naman ang kanyang paliwanag. Imbis na magalit ay inintindi ko na lamang ang ginawa ng mga lobo sa aking bahay. Kahit na madaming nasirang bagay ay may paraan pa naman siguro para maayos ito. Hindi ko na lang hinayaan na lamunin ako ng galit dahil tinuruan naman ako nina Mama at Papa na kahit na may mga bagay na ginawa sa'yo ang isang tao, matuto kang magpatawad kahit na gaano pa kaliit o kalaki iyon.
"Teka, ano 'yun?" tanong ko kay Nicolai nang makarinig ako ng kung anong tunog mula sa labas ng bahay.
"They're here."
Napalunok naman ako dahil sa kaba. Nandito na sila? Ibig sabihin, nandito na ang mga werewolves? Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman. May part sa akin na natatakot dahil baka kung ano ang gawin nila pero may part din sa akin na gusto ko silang makita dahil gusto kong malaman kung ano ba talaga ang itsura ng isang lobo na nagiging tao.
Naglikha ng tunog ang pintuan habang dahan-dahan itong nagbubukas. Una kong nakita ay ang dilaw nilang mga mata at ang nakatayo nilang tainga. Isa-isa silang pumasok hanggang sa makapasok na silang lahat. Apat na lobo ang nasa aming harapan. Buong akala ko ay kasing laki lamang sila ng normal na aso kagaya ng isang Syberian Husky pero doble ang laki nila. Halos kapantay na nila ang aking tangkad.
Tumigil ang pagpatay-bukas ng ilaw kaya naman mas lalo ko silang nakita nang maayos.
Ang lobo na nasa gitna ay kulay puti, ang dalawa naman ay kulay itim at ang isa sa kanila ay kulay kayumanggi. Nawala ang takot na aking nararamdaman. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko at ang malakas na pag-irit dahil sa sobrang saya. Mahilig kasi ako sa mga aso at hindi ko mapigilan ang feels ko nang makita ko sila. Parang ang lambot-lambot ng balahibo nila at gusto kong ibaon ang mukha ko dito kasabay ng pagyakap ko sa kanila ng mahigpit.
"O-Oy! Anong balak mong gawin?!"
Hindi ko na narinig pa ng maayos ang sinabi ni Nicolai. Wala sa sarili akong lumapit sa kulay puting lobo at mabilis na dinamba upang yakapin siya.
"Waaaaaaaaaah! Ang fluffy!" sigaw ko habang nakabaon ang aking mukha sa leeg ng lobo. Ang lambot nga ng balahibo niya gaya ng aking inaasahan. Noon pa lang ay mahilig na talaga ako sa mga hayop lalo na sa mga aso pero dahil may allergy si Mama sa mga hayop na may balahibo ay hindi ko nagagawang makapag-alaga. Ngayong nasa harapan ko na ang isang napakalaking aso ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampiros{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
