XXIII. Three Words Finally Spoken
Pinagmasdan ko ang pagpatak ng ulan sa bintana. Nakahalumbaba ako habang pinapanood ang pag-ulan. Napahikab ako. Kapag talaga umuulan at malamig, napakasarap matulog. Buti na lang na-suspend ang klase dahil sa bagyong paparating. Tinatamad kasi akong pumasok kapag naulan. Kinuha ko ang tasa ng kape na nakapatong sa lamesa. Humigop ako at pinakiramdaman ang pag-agos ng mainit ng kape patungo sa aking tiyan.
"Flavia, I'm hungry."
Napalingon ako kay Nicolai. Nasa harapan ko siya at nakaupo. Nakataas ang dalawang paa niya sa upuan. Nakayakap siya sa kanyang mga binti at nakapatong ang kanyang baba sa kanyang tuhod. Bahagyang nakanguso ang kanyang labi. Para siyang bata na kulang sa atensyon. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Then, eat." I said in matter-of-factly way. Muli akong humigop ng kape. Ah, this feels good.
Mas lalo siyang ngumuso. "You know I can't cook, stupid." Inirapan niya ako.
Napanganga ako. "May dalaw ka ba? Daig mo pa ang babaeng may red alert kung makapagsungit, ah?"
Inirapan na naman niya ako. Sumosobra na 'to, ah! "Cook for me. My stomach is rumbling."
Napabuntong-hininga ako. "Kakakain mo lang ng almusal. Wala pang isang oras gutom ka na kaagad?"
"Ang dami mo namang reklamo! Magluto ka na lang!"
Nagsimula kaming magbangayan tungkol sa napakaliit na bagay. Ganoon naman palagi at unti-unti na akong nasasanay. Minsan nga ay pinag-aawayan namin ay kapag may ipinapaabot ako sa kanya pero ayaw niyang kuhanin kasi tinatamad daw siya. Malaki nga ang pinagbago sa relasyon naming dalawa ni Nicolai pero hindi mawawala ang panay na pag-aaway namin na halos nagmumukha na kaming mga bata na nag-aagawan sa laruan.
Inilapag ko ang isang plato ng spaghetti sa kanyang harapan. Lumiwanag ang kanyang mukha at nagsimulang kainin ang niluto ko para sa kanya. Wala din akong nagawa sa huli. Madalas niyang nakukuha ang gusto niya at kung may isa man akong nalaman sa kanya, 'yon ay ang hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Bumalik ako sa realidad nang itapat niya sa 'kin ang tinidor na may nakarolyong spaghetti. Nakakunot ang kanyang noo at medyo mapula din ang kanyang pisngi.
"You want?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilan ang pagngiti pero hindi ko na kayang pigilan. Kaysa mag-away na naman kaming dalawa, kinain ko na ang spaghetti na iniaalok niya sa 'kin.
Tinapik niya ang upuan sa kanyang tabi. "Come, let's eat."
I obliged. Tumabi ako sa kanya. Madami naman ang niluto ko at inilagay sa plato niya kaya kasyang-kasya iyon para sa aming dalawa. Hindi na niya ako pinakuha ng sarili kong tinidor dahil siya na lang ang nagsubo sa 'kin. Tahimik kaming kumakain pero hindi ko mapapalampas ang bawat pagsulyap niya sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na kumain nang hindi nabibilaukan dahil sa malakas na pagtibok ng aking puso. Parang sasabog ang dibdib ko.
"Hey," I looked into his eyes pero sa aking labi siya nakatingin. "There's a sauce on the side of your mouth."
"Ah?"
Itinaas ko ang aking kamay upang punasan iyon ngunit hinawakan niya ang aking braso. Hinila niya ako patungo sa kanya. Bago ko pa macomprehend kung anong nangyayari, naramdaman ko na lang ang labi niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at napasinghap nang maramdaman na dinilaan niya ang gilid ng aking labi na sa palagay ko ay may spaghetti sauce kanina.
Nang lumayo kami sa isa't-isa ay naitakip ko na lang ang likod ng aking palad sa aking labi. Siya naman ay nakaiwas ng tingin habang nakahawak sa kanyang batok. Parehong namumula ang aming mukha.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Romance{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
