XXII. Sinking Deep
Kailangan ko na yatang masanay sa araw-araw na tilian ng mga babae sa eskwelahan sa tuwing nakikita nila si Nicolai pero dapat ko ding sanayin ang sarili ko na hindi matawa sa tuwing nakikita ang mga mukha nilang bigla na lang sisimangot kapag lumalabas ako ng kotse. Hanggang ngayon butthurt pa din sila dahil ako ang palaging kasama ni Nicolai. Palagi akong inuulan ng tanong kung ano bang relasyon namin pero palagi kong sinasabi na magkaibigan lang kami. Pa-showbiz ako, syempre. Saka wala naman talagang namamagitan sa amin ni Nicolai, eh.
"I'll go home for the meantime. Saka na lang kita babalikan kapag uuwi ka na." Hinalikan niya ako sa aking noo.
Naghuramentado naman ang puso ko dahil sa kanyang ginawa. Bakit ba napakadali para sa kanyang gawin 'yon sa harap ng madaming tao? Hindi ba niya naiisip ang iisipin nila?
Binigyan niya ako ng headchop kaya naman naputol ako sa aking pag-iisip. "I know what you're thinking. Why won't you let them think all the things they want to us? Wala din naman silang magagawa, eh. You're always over thinking."
Ngumuso ako. "Nahihiya lang kasi ako. M-Mukha kasi tayong..."
"May relasyon?" Ngumisi siya matapos dugtungan ang aking sasabihin. "Doon din naman 'yon pupunta, bakit mahihiya ka pa?"
Sinapak ko siya pero tinawanan niya lang ako. Nagsimula na siyang lumakad palayo sa akin nang paatras kaya naman kahit palayo na siya nang palayo ay kitang-kita ko pa din ang napakagandang ngiti sa kanyang labi. Hindi talaga ako magsasawa sa mga ngiti ni Nicolai. It's so pure but at the same time, intoxicating. He's like an angel, a fallen angel to be exact.
Naramdaman ko namang may umakbay sa akin at sa isang iglap ay nasa harapan ko na ulit si Nicolai. Marahas niyang inalis ang brasong nakaakbay sa akin at kasabay naman noon ay ang pagkarinig ko sa boses ni Zeeya.
"Aray, ha!"
Nanlaki ang aking mga mata. Inalis ko ang kamay ni Nicolai na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Zeeya na para bang balak niya itong baliin.
"Nicolai, stop it!" sigaw ko.
Masama siyang tumingin kay Zeeya. "Don't just touch what's mine that easily."
Imbis na matakot ay natawa na lang si Zeeya. "What the hell, dude? Para umakbay lang nagagalit ka na kaagad? I'm a girl, you know!"
Napailing ako. "She's right. Zeeya is my friend. Hindi mo kailangang maging OA."
Inirapan niya ako. Hindi na siya nagsalita pa. Sa isang iglap ay nawala na siya. Nanlaki naman ang aking mga mata. Napatingin ako kay Zeeya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang may iba na siyang pinagkakaabalahan. Loko talaga ang Nicolai na 'yon, eh! Tama ba namang gamitin ang abilidad niya dito? Paano kapag may nakakita sa kanya? Lagot sa 'kin 'yon mamaya!
"Good morning!" masiglang bati sa akin ni Lucy. Nasa likudan naman niya si Ashton na mukhang bored at panay lang ang pindot sa kanyang PSP.
"Good morning." ganting pagbati ko din sa kanya.
Nagpunta na ako sa aking upuan at laking pagtataka ko nang sumunod sa 'kin ang tatlo. Humila sila ng kani-kanilang upuan at umupo sa aking tabi at harapan. Hindi ko naman maiwasang mapatanga sa kanila dahil hindi ko inaasahan ang kanilang ginawa. Sanay kasi akong mag-isa sa upuan ko at walang kausap pero ngayon napapalibutan na ako ng matatawag kong kaibigan.
"So, Flavia, saan mo nakilala si Nicolai?" taas-baba ang kilay ni Lucy habang nakangisi.
Napaiwas naman ako ng tingin. Uminit ang aking buong mukha. "D-Dyan lang." mahinang sagot ko sa kanila.
Sinundot ni Zeeya ang aking tagiliran kaya napaigdat ako. Malakas kasi ang kiliti ko doon. "Sus! Pa-showbiz ka pa! Sabihin mo na sa 'min! Mukhang malakas ang tama sa 'yo ng lalakeng 'yon, eh! Kahit babae ang humahawak sa 'yo nagagalit, paano pa kung lalake?" Pumalatak siya at umiling pero hindi nawawala ang nang-uuyam na ngiti sa kanyang labi. Hindi ko inaasahan na ganito kadaldal si Zeeya. Kung titingnan kasi sa una, mukha siyang tahimik.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampir{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
