XLIV. Forget About Me

12.4K 498 76
                                        

XLIV. Forget About Me

Madaling kalimutan ang mga bagay na walang halaga. Mahirap kalimutan kung alam mong hindi mo kaya. Kagaya ng pagmamahal ko kay Nicolai, kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na dapat ko siyang kalimutan, hindi pala 'yon ganung kadali. Lalo na't nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Doon pa lang, muling nawasak ang puso ko. Nangyari lang ang lahat kagabi dahil lasing siya. Hindi totoo ang mga sinabi niya kagabi. Nadala lang siya ng kalasingan niya.

There's the pain again as I remembered his words last night. It wasn't for me. And it will never be.

I shook my head. Hindi ito ang oras para malungkot. Tatlong araw na lang mawawala na ako sa mundong 'to. Bago man mangyari 'yon, kailangan kong makita sina Zeeya.

Nag-ayos ako ng aking sarili. Mukhang pupunta akong mag-isa ngayon sa mundo ng mga tao. Hindi ko kasi maiisama si Sebastian dahil may ipinagawa sa kanya ang kanyang ama. Saka kakayanin ko namang mag-isa. Ang poproblemahin ko lang ay ang pag-alis ko dito sa palasyo.

Nagtungo ako sa balkonahe. Lumunok ako nang makita kung gaano kataas ang tatalunin ko kung sakali. I would end up with broken bones or worst, dead without Klaus helping me. Hindi ito ang daan para makaalis ako dito. I have no choice but to go through the front.

Lumabas ako ng aking silid. Nananalangin ako na sana walang makakita sa 'kin. Siguradong hindi nila ako papayagang umalis.

Matagumpay akong nakarating sa south wing ng palasyo kung nasaan ang pinto palabas. Mas binilisan ko ang aking lakad. Kaunti na lang ay makakarating na ako sa pinto.

"Where are you going?"

Mistulang nanigas ang buo kong katawan. Hindi ko na nagawa pang ihakbang ang aking mga paa. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

"I...uhh..." Umiwas ako ng tingin. Bakit sa lahat ng pwedeng makakakita sa akin ay siya pa? Bumuntong-hininga ako. There's no point in lying. Alam kong kahit ano'ng sabihin ko, hindi siya maniniwala. "Pupunta ako sa mundo ng mga tao. Gusto kong makita sina Zeeya sa huling pagkakataon."

Something crossed his eyes but I didn't pay any attention to it.

"At ikaw lang mag-isa? Hindi ka pwedeng umalis."

Inikuyom ko ang aking kamao. Sinubukan kong maging mahinahon sa pagsasalita. "Bakit hindi? Hindi naman ako magtatagal. Iyon na nga lang ang gusto kong gawin bago ako mamatay, pagbabawalan mo pa ako?"

Umigting ang kanyang panga. "Sasamahan kita."

Bumilis ang pintig ng aking puso. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko dahil lang sa dalawang salitang lumabas sa bibig niya. Nakipagtitigan ako sa kanya ngunit ako rin ang unang umiwas ng tingin. Ang mga tingin niya kasi ay parang nakikita ang buo kong sistema. Natatakot ako na baka makita niya na nasasaktan ako pero mahal na mahal ko pa rin siya.

"Kaya kong mag-isa. Sanay na akong mag-isa. Nakaya ko noong mabuhay na ako lang ang gumagawa ng paraan para sa sarili ko kaya kayang-kaya ko ding gawin iyon." Hindi kita kailangan, gusto kong idagdag. Pero sino ang niloko ko? Simula nang makilala ko siya, nalaman ko ang pakiramdam ng may kasama at pakiramdam na may nagmamahal. Kailangan ko siya. Ako ang hindi niya kailangan.

"Sasamahan kita sa ayaw man o sa gusto mo. You can't go back there alone. Hindi natin alam na baka nandoon pa ang bampirang pumatay sa mga tao sa syudad niyo. I'll go with you and this is an order as the Second Prince of the palace."

Natawa ako ng pilit ngunit hindi na ako nagsalita pa. He's insisting to go with me not as Nicolai but as the Second Prince of the palace. Walang awa talaga niyang pinamumukha sa akin na wala na akong halaga sa kanya, 'no? Hindi ko alam kung sinasadya niya akong saktan o manhid lang siya para maramdang nasasaktan ako?

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon