XII. Protecting You

17.6K 682 41
                                        

XII. Protecting You

Mabilis akong lumabas ng comfort room matapos kong marinig ang pag-uusap ng dalawang babae doon. Nagulat pa nga sila na nandoon ako at namukhaan ko din sila. Kasama sila sa mga nambubully sa akin pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil mas mahalaga na malaman ko kung anong nangyari kay Nicolai.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Saglit lang akong nawala pero may ginawa kaagad siyang kalokohan. Masama ang pakiramdam ko dito. Outsider pa man din siya. Medyo bayolente pa naman ang mga kalalakihan sa school na ito. Kung tama ang hinala kong may ginawa siyang ikapapahiya ni Britteny, siguradong kukursunadahan siya ng mga lalakeng estudyante na nagkakagusto kay Brittney. At hindi basta-basta ang bilang ng mga lalakeng nagkakandarapa sa kanya. Kahit na panget ang kanyang pag-uugali, halos kalahati ng populasyon ng lalake sa eskwelahan ay patay na patay pa rin sa kanya.

Lakad takbo ang aking ginawa makabalik lang ulit sa gym. Kaagad kong hinanap si Nicolai at napakunot ang aking noo nang makita ko siyang prenteng nakaupo sa table namin kanina at kumakain. Nakaipit na naman sa kanyang bangs ang itim niyang clip para hindi ito humara sa kanyang noo. Ang wayfarer niya ay nakapatong sa lamesa.

Kaagad ko siyang nilapitan at umupo sa kanyang tabi.

"Oh? You're back." parang wala lang na sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napansing ang karamihan sa mga estudyante ay nakatingin sa direksyon namin. Hindi ko mabasa ang kanilang ekspresyon.

"Ano iyong narinig ko na napahiya daw si Brittney? Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya. Medyo lumapit pa ako sa kanya para ibulong ang mga tanong ko. Kahit na malakas ang tugtog sa paligid, natatakot pa rin akong baka marinig nila kaya mas pinili kong bumulong. Ayokong magkagulo dito nang dahil sa akin. Sawang-sawa na ako sa gulo at pambubully nila. Umaasa akong magiging tahimik na gabi ito para sa akin.

Nagkibit-balikat siya bago sumagot. "I just taught her a lesson that she will never forget." at ngumisi siya sa akin. "And I assure you; she will never lay a hand on you or throw insulting words at you ever again."

Hindi ko alam ang aking sasabihin. Dapat ba akong magpasalamat dahil nagawa niyang ilayo sa akin ang taong siyang nagsisimula ng pambubully sa akin? Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Namalayan ko na lamang na nakangiti na ako sa kanya habang napapailing.

"And don't ask me how I did it. As I told you before, I have different ways to get what I want."

"But what do you want in the first place? Why did you do that to Brittney, whatever it is you did to her?"

Tumingin siya sa aking mga mata. Ang mapaglarong emosyon na palaging nandoon ay napalitan ng seryosong titig. "I want to protect you."

Ilang minuto kaming nagtitigan. Para bang nawala ang ingay sa aking paligid. Sa pagkakataong ito, parang siya lang ang aking nakikita. Nalulunod ako sa kanyang mga titig at hindi ko alam kung paano ako aahon. Ang kanyang bilugan at itim na mata ay para bang hinahatak ako sa isang lugar na alam kong kapag pumunta ako ay hindi na ako makakalabas pa at habang-buhay na akong makukulong doon.

Naputol lamang ang aming pagtititigan nang makarinig ako ng boses mula sa aking likudan na tinatawag ang aking pangalan.

Kaagad akong lumingon at napangiti ako nang makita si Sir. Ralph. Nakasuot din siya ng suit. Lahat ng members ng faculty ay kasama sa party na ito kaya naman nakabihis din sila kagaya ng mga estudyanteng katulad ko.

"Mabuti naman at nakarating ka." nakangiting sabi niya sa akin. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Nicolai bago ibinalik muli ang tingin sa akin. "You look beautiful tonight, Flavia."

The SomnambulistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon