XXVII. Seeking For Attention

11.6K 495 15
                                        

XXVII. Seeking For Attention

"Don't leave the palace until I say so."

Ito ang babala sa akin ni Nicolai. Nakahalumbaba ako at nakadapa sa kama sa aking kwarto. Napakabilis talagang lumipas ng panahon. Natapos ko na ang unang semester kaya bakasyon na muna ako ngayon. Sa isang buwan pa ulit ang enrolment kaya makakapagpahinga pa ako. At ito din ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa palasyo.

Kararating ko lang kanina pero ang mga salitang 'yon ang ibinungad sa 'kin ni Nicolai. Napansin kong pauli-uli ang mga kawal at hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero may masama akong pakiramdam dito. Sinubukan kong tanungin si Nicolai pero ayaw naman niyang sabihin sa 'kin. 'Wag lang daw akong lumabas sa palasyo.

Nakakabagot naman dito. Sa ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang hanapin ang kakulitan ni Sebastian pero nalaman kong wala nga pala dito si Sebastian. Madami daw itong pinagkakaabalahan ngayon.

Nag-antay ako ng ilang oras sa loob ng aking kwarto hanggang sa naisipan kong lumabas. Nagtungo ako sa rooftop ng palasyo. Hindi pa kasi ako nakakapunta doon at gusto kong makita ang buong city syudad mula doon.

Habang nasa daan ako ay padami nang padami ang mga kawal na mukhang nagpapatrolya sa buong palasyo. Hindi katulad noon na nakalagay sa kanilang bewang ang kanilang espada, hawak nila ito. Ano ba talagang nangyayari?

Tinahak ko ang hagdan patungo sa itaas. Pagbukas ko ng malaking pinto sa pinakatuktok nito ay humampas sa aking mukha ang maaliwalas na hangin. Walang kawal o kung sinoman ang nandito ngayon.

Inalis ko ang pulang ribbon sa aking buhok. Matagal ko itong tinitigan at sumilay ang ngiti sa 'king labi nang maalala ko kung kanino galing ang ribbon na ito.

"Your hair is sticking in your face," Hinawi ni Nicolai ang buhok sa aking mukha gamit ang kanyang daliri. "And it's messy too." Tumawa siya.

Hinampas ko ang kanyang braso. "Wala akong oras suklayin ang buhok ko lalo na kapag tinatamad ako."

Hindi ko na nakita ang sunod niyang gagawin dahil tumayo siya at nagpunta sa aking likudan. Sinubukan kong lingunin siya pero hinawakan niya ang aking ulo sa magkabilang gilid para hindi ako makatingin.

"Stay still."

Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang kamay niyang marahang humahaplos sa aking buhok. Itinaas niya ito at isinuklay gamit ang kanyang kamay. Nilikom niya ang aking buhok at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang dulo ng pulang ribbon sa aking balikat.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang marahang paghaplos ng kanyang kamay sa aking ulo na para bang ingat na ingat siya. Paminsan-minsan ay sumasagi ang kanyang darili sa aking batok.

"Done."

Iniharap niya ako sa salamin na nakadikit sa dingding. Itinali niya ang aking buhok at masasabi kong napakagaling niya dito. Nagmukhang tao ako lalo dahil sa ginawa niya.

"Always use that ribbon. If not, I'll gonna give you a head chop."

Lumakas ang ihip ng hangin at naging mabilis ang pangyayari. Naputol ang aking pag-iisip nang lumipad ang ribbon mula sa aking kamay. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko na ito nagawa pang habulin. Nang tumakbo ako patungo sa tabi ng batong railings ay nakita kong lumabas ang ribbon patungo sa itaas ng tarangkahan. Mga ilang metro pa ang nilipad nito bago lumapag sa lupa.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Paano ko kukuhanin 'yon? Hindi 'yon pwedeng mawala! Lagot ako kay Nicolai! Ilang beses akong nagpabalik-balik ng lakad habang nag-iisip. Kapag lumabas ako, magagalit din sa 'kin si Nicolai. Kapag naman 'di ko nakuha 'yong ribbon, magagalit din siya sa 'kin.

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon