IX. Rogue Vampires
"What the hell, dude?! You're insecure with me?!" humagalpak ng tawa si Nicolai habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang tiyan at ang isa naman ay nakaturo kay Sebastian na nakaupo sa may couch habang nakanguso at masama ang tingin sa akin. "I can't believe this!" muli siyang tumawa. "Hindi ko alam na nagpapanggap ka lang na mukhang tanga sa aming lahat, 'yun pala ay kapag nakatalikod kami ay tinitira mo na ang lahat ng kababaihan dito sa palasyo."
Tinabig naman ni Sebastian ang kamay ni Nicolai. "Hindi ako nagpapanggap! Hindi ako mapagkunwari! Anong klaseng pinsan ka kung pati ako ay iyong pagdududahan?! Ang sakit sa damdamin ng iyong ipinaparatang sa akin!" madrama na namang sabi niya habang pinupunasan ang imaginary luha sa kanyang mga mata.
Nang mangyari ang scene sa may hardin ay kinabukasan, bumalik na ulit siya sa pagiging OA niya. Ang arte-arte pa rin niyang gumalaw tapos ang lalim-lalim ng Tagalog niya na ang sakit sa ilong. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa unang panahon dahil sa way niya ng pagsasalita.
Tawa pa rin ng tawa si Nicolai. Napailing na lang ako. Ang lakas ding mang-asar ng isang 'to, eh. Nakita na ngang napipikon na si Sebastian. Mabuti na lang hindi pa pumuputok sa galit ang isang 'to. Sana hindi ko na lang sinabi kay Nicolai ang nangyari. Kaya niya nalaman na hindi talaga ito ang tunay na ugali ni Sebastian ay naikwento ko ito sa kanya. Noong una ay hindi siya makapaniwala pero sa huli ay napaniwala ko na din siya kaya naman pagkagising na pagkagising niya ay kaagad niyang inasar si Sebastian.
"Come on, Seb! Show me your true colors!" pagpupumilit niya kay Sebastian. Umupo siya sa tabi nito. "Bakit kailangan mo pang magpanggap? Masyado ka ba talagang insecure sa kagwapuhan ko? 'Wag kang mag-alala, gwapo ka din naman, eh. Mas lamang nga lang ako sa'yo ng ilang paligo."
Inirapan siya ni Sebastian. "I'm getting tired of this." inis na sabi niya. "Ano bang magagawa mo kung ayaw ko nang bumalik sa dating ako? Gusto ko na ang ganito na palaging nagsasabi ng malalalim na salita at may OA na galaw dahil nasanay na din naman ako. At ang sisihin mo, 'yung isa dyan." panama niya sa akin.
Tumingin sa akin si Nicolai para lang irapan ako. Aba't gago 'to, ah! Wala na yata siyang ginawang matino kundi ang sungitan ako, eh!
Umupo na lang ako sa isang couch na katapat ng couch na inuupuan nila.
"Ano namang kinalaman ni Flavia dito?" nagtatakang tanong ni Nicolai. "Woah, wait, 'wag mong sabihing nagpapadala ka sa babaeng 'to?" turo niya sa akin.
This time, ako naman ang tumabig sa kamay ni Nicolai.
"Kung makaduro ka naman dyan!" bulyaw ko sa kanya. "Bakit mo ba pinipilit 'yung tao este bampira kung ayaw niya, 'di ba? Ang kulit din ng lahi mo, eh." Inirapan ko siya at ganoon din ang ginawa niya sa akin. "Pairap-irap pa. Dukutin ko 'yang mata mo, eh." bulong ko.
"Kaya mo?!"
Tumingin ako sa kanya. Malakas nga pala ang pandinig niya. "Paano kapag sinabi kong kaya ko?!"
"Kahit naman sabihin mong kaya mo, alam ko namang hindi mo magagawa. Weak ka, eh." nakangising aniya.
Hindi ko na lang siya pinansin at mas pinili ko na lamang na samaan siya ng tingin. Sa tanang buhay ko, ngayon lang talaga ako nainis sa isang bampira. Sabagay, ngayon lang naman ako nakaencounter ng bampira. Pero basta! Nakakainis! He can push me to my limits! Pasensyado akong tao at hindi ako basta-basta pumapatol kung kani-kanino pero pagdating sa kanya hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sanay akong iniirapan, sinisigawan at sinasabihan ng kung ano-anong salita sa school pero hindi ko pinapansin kaso pagdating sa kanya, hindi ko magawang magtimpi.
Iniwan ko na silang dalawa na nag-uusap sa may living room. Kunwari pang naiinis si Sebastian kay Nicolai, eh, alam ko namang close silang dalawa. Siguro nga naiinsecure si Sebastian pero hindi pa rin niya maaalis sa kanya na malapit silang dalawa. Si Nicolai naman tinanggap ang katotohanan na ganoon ang tingin ni Sebastian sa kanya na parang wala lang sa kanya. Napailing na lang ako. Boys are boys.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampire{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
