XXXI. Bring Them to Hell
One of my favourite fairy tales is Rapunzel, a girl stuck in a high tower, but she got her happy ever after with a prince who saved her. At this moment, I'm like Rapunzel. The difference was I'm not a princess, and the one who locked me up is a prince—a dark prince.
"Hanggang kailan mo ako ikukulong dito?" asik ko sa kanya habang nakahawak sa bakal na rehas. Nakatayo siya sa labas habang nakahalukipkip. May ngiti sa kanyang labi ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. Naiirita ako sa ipinapakita niyang ekspresyon. Dahil doon parang pinapalabas niya na ayaw niyang gawin sa 'kin 'to. Kung ayaw niya, eh, 'di sana paalisin na lang niya ako!
"Hanggang sa masakop ko na ang buong palasyo," Mas lumapit pa siya sa rehas. Umatras naman ako palayo. "Nang sa ganon, sabay nating paghaharian ang buong syudad. Paghihigantihan ko sila dahil nang ginawa nila sa 'kin. Pagbabayaran nila ang pagpatay nila kay Flaudia."
Iniiling ko ang aking ulo. Hindi niya naiintindihan. Nilamon na ng galit ang kanyang puso at isipan. "Hindi nila pinatay si Flaudia. Responsibilidad ni Flaudia ang maging bahagi ng puno para mailigtas ka at ang mundo niyo. Nagsakripisyo siya para sa 'yo kaya 'wag mo 'yong sayangin."
Gumuhit ang galit sa kanyang mga mata. Mabilis na pumula ito. Sumugod siya patungo sa rehas at kinalampag ito. Sa aking gulat at takot ay napaupo ako sa malamig na semento. Kung walang rehas na pumapagitna sa aming dalawa ay baka nahawakan na niya ako sa leeg. Pero alam ko, pinipigilan pa niya ang sarili niya dahil kayang-kaya niyang sirain ang rehas na 'yon kahit isang kamay lang.
"Wala akong sinasayang na kahit ano dahil kung tutuusin, ayaw ni Flaudia na maging isa ng puno!" sigaw niya na siyang ikinagulat ko, hindi dahil sa lakas ng sigaw niya kundi dahil sa sinabi niya. "Pinilit nila si Flaudia na sumapi sa puno! Ikinulong nila ako!" Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. "N-naiwan ako...na walang nagawa para iligtas siya. Nawala siya na hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na...m-makasama siya."
Piniga ang aking puso sa kanyang pag-iyak. Tumayo ako. Nilapitan ko siya na mahigpit na nakahawak sa rehas. Itinaas ko ang aking kamay upang hawakan ang kanyang kamay. Nanginginig man ang aking mga kamay ay nagawa ko pa din siyang hawakan.
Tumingala siya sa 'kin. Totoo ang mga luha na dumadaloy pababa mula sa kanyang mga mata. Totoo ang pagmamahal niya kay Flaudia. Kung totoo nga ang sinabi niyang ayaw ni Lola Flaudia na sumapi noon sa puno, hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko. Hindi ko alam kung alin ang tama. Tama bang isakripisyo ang buhay ng nakakarami para sa pagmamahalan niyong dalawa? Tama bang talikuran mo ang responsibilidad mo para doon?
"Alam kong nasaktan ka sa nangyari pero inisip lang ng hari at reyna ang kapakanan ng mga nilalang sa mundo niyo. Hindi mo ba naisip na maging ang pamilya mo ay mamamatay kung sakaling 'di sumapi si Lola Flaudia sa puno?"
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. "Wala akong pakealam sa kanila. Si Flaudia lang ang gusto kong makasama. Si Flaudia lang ang laman ng aking puso."
Binitawan ko ang kanyang kamay. Hindi ko inasahan na kaya niyang itapon ang sarili niyang pamilya. Naiintindihan kong mahal na mahal niya si Lola Flaudia pero para talikuran ang pamilyang nakasama niya? Ang mga magulang na nagpalaki sa kanya?
"Ikaw, Flavia? Hindi ba mahal mo ang kapatid ko?" Ngumisi siya. "Ang kapatid kong inagaw sa 'kin lahat ng gusto ko?"
Hindi ako nagsalita.
"Ano'ng kaya mong gawin para sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang sarili mo para sa mundong kahit kailan ay hindi ka mapapabilang? Kaya mo bang iwan si Nicolai para maging parte ng puno?" Muli siyang humawak sa rehas. "Sigurado akong pipilitin ka nilang maging parte ng puno. Isang buwan na lang at matatapos na ang oras mo. Kaya sumama ka na sa 'kin. Uubusin natin silang lahat. Hindi mo na kailangan pang isakripisyo ang sarili mo. Nandito ako, ako na lang ang mahalin mo."
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampiros{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
