Epilogue

26.7K 821 122
                                        

Epilogue

"Prinsipe Nicolai!"

"Nasaan na kaya siya? Kanina pa siya hinahanap ni Haring Vladimir!"

"Lagot tayo kapag hindi natin siya nahanap!"

"Baka tumakas na naman!"

Napabuntong-hininga ako. Pinanood ko ang mga kawal na hindi magkamayaw sa paghahanap sa 'kin. Sumandal ako sa katawan ng puno. Nasa pinakataas ako nito kung saan natatakluban ako ng mayabong nitong sanga at mga dahon. I don't want them to see me. I always sneak out to run away from my duties. It's a pain in the ass that's why. I don't want to do what my father wants me to do. I just want my free time. Palagi na lang akong nandito sa palasyo. Nag-aaral, nagpapractice ng sayaw, nangangabayo at kung ano-ano pang bagay na nababagay daw sa 'kin dahil prinsipe ako. I don't want all of those shits. I just want to take a breather for a moment.

"Hindi niyo pa rin siya mahanap?" Sumilip ako sa ibaba. Nakita ko si Ina na kinakausap ang mga kawal. Napanguso ako. Kapag si Ina na ang lumabas para hanapin ako, wala akong magagawa kundi sumunod. I can't resist my own mother.

"Mahal na Reyna!" Sabay-sabay silang yumukod.

"Hindi pa rin po namin siya nahahanap. Nagtanong-tanong po kami sa maaaring nakakita sa kanya pero karamihan sa nagsasabi na hindi naman daw nila nakitang lumabas si Prinsipe Nicolai sa palasyo."

Ngumiti si Ina. "Alam ko na kung nasaan siya."

Napairap ako sa kawalan. Of course she knew. She's the only one who knows where I might be every time I went missing. She knew every place I could hide.

Tumingala siya. Nagtama ang aming mga mata. Ngumisi siya sa 'kin at ako naman ay bumelat sa kanya. She chuckled.

"Come on, darling. Your father wanted to talk to you."

Nagpakawala ako ng marahas na hininga. Tumalon ako mula sa pinakataas ng puno pababa sa lupa. Nang makatungtong ako sa lupa ay pinagpagan ko ang aking pantalon. Inayos ko din ang bangs kong nakahara sa mukha ko. Kinuha ko ang aking clip at iniipit ito papunta sa likod. Tss. Hassle. Pero ayaw ko namang putulin.

"What now?" iritadong tanong ko.

"He wants you to do something." Kumapit siya sa 'king braso.

"I'm busy."

Tumawa siya. "No way, big boy. Wala ka namang ginawa buong araw kundi tumambay sa itaas ng puno. Do you want to turn into a monkey?"

I huffed. "If that's the only way for me to have a chance to slack off then it will be fine."

Napailing na lang siya sa 'kin. Sabay kaming pumasok sa loob ng palasyo. Dumeretso kami sa opisina ni Ama. Pagpasok namin sa loob sinalubong niya ako ng matalim na tingin. Napangisi na lang ako. Kapag naiinis sa 'kin si Ama, imbis na matakot ay natutuwa ako. Minsan lang kasi siya magalit. I found it amusing when the soft-hearted king got angry because his son was slacking his ass off.

Umupo si Ina sa upuan katabi ni Ama.

He cleared his throat. "Hindi na kita sesermonan ngayon dahil mas importante ang ipapagawa ko sa 'yo." Humalumbaba siya sa lamesa. "Gusto kong pumunta ka sa mundo ng mga tao para sunduin si Flavia Faux."

Ipinamulsa ko ang aking mga kamay. "Flavia Faux? 'Yung taong isasakripisyo para sa puno?"

I heard about her at the general assembly held two days ago. Napag-usapan nila ang panghihina ng puno kaya kailangan na nilang makuha ang natitirang Faux. Kapag hindi siya sumapi sa puno, magugunaw ang mundo namin at mamamatay kaming lahat.

"Yes." sagot niya. "Maiintindihan ko kung hindi siya kaagad sasama sa 'yo pero gusto kong hingkayatin mo siya. Hindi natin pwedeng hayaan na masira ang mundo natin. Kailangan natin siya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon