XLV. Highest Tower

11K 454 48
                                        

XLV. Highest Tower

Kailanman ay hindi ko naisip na dadating ako sa punto na kahit kasama ko si Nicolai ay puro sakit lang ang nararamdaman ko. Buong oras na pauwi kami sa mundo nila ay hindi kami nag-uusap. Ilang hakbang lang ang pagitan niya sa 'kin ngunit pakiramdam ko'y ang layo-layo niya.

Ni hindi siya nagtanong kung ano'ng nangyari kina Zeeya dahil paglabas ko ng kwarto kaagad ko siyang niyaya paalis.

Pero lahat ng sakit ay hindi ko ininda. Lahat ng sakit tinitiis ko.

My condition is getting worst. Dalawang araw na lang ang natitira sa 'kin. Sa tuwing umaga nahihirapan na akong bumangon kaagad. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na wala pa naman akong ginagawa. Pakiramdam ko unti-unti na akong nawawala.

"Hindi ko pa ulit nakikita si Klaus simula nang ilabas siya ng Hari sa harap ng madla. Nasaan kaya siya ngayon?" Umupo si Sebastian sa aking tabi. Dinalhan niya ako ng almusal dahil alam niyang hindi ko magagawang pagpunta sa dinning hall para kumain.

"I don't know either," Kailan ko kaya makakausap si Klaus? Ang sabi niya ay maghintay lang ako pero nauubusan na din naman ako ng oras. Baka hindi na niya masabi sa 'kin ang mga gusto niyang sabihin. "Kung anoman ang ginagawa niya, sana maayos lang ang kalagayan niya."

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Habang natagal nababago ang tingin ko kina Haring Vlad at Reyna Selena. Bakit nila hinayaan si Klaus na gano'n? Sila ba ang dahilan sa ekspresyon ni Klaus habang nakaharap sa mga maharlika? Ano'ng ginawa nila? Imposibleng wala silang alam sa nangyayari. Ayokong husgahan sila kaagad dahil hindi ko naman alam ang tunay na nangyayari. At naging mabuti sila sa 'kin. Naguiguilty ako dahil pinag-iisipan ko sila ng masama gayong puro kabutihan lang ang ipinakita nila sa 'kin.

"Oh, I forgot to mention that Xenon will come here today. Gusto ka daw niyang makita."

I smiled faintly. "Hindi niya ba isasama si King Amoux? I kinda missed him."

He laughed. "Kahit pa magunaw ang mundo, King Amoux won't set his foot in his enemies' territory."

I faked a sad face. "Aww, that's too bad."

Umiling si Sebastian ngunit may ngisi sa kanyang labi.

Xenon will be here, huh? Buti pinayagan siya ni King Amoux na magpunta dito. Knowing that he hates me, he shouldn't let his son see me.

"He should be here by now,"

"Oh, mag-aayos muna ako ng sarili ko."

Nakakahiya naman kung haharap akong hindi man lang nag-aayos sa sarili kaya naman kaagad akong nagtungo sa banyo.

Paglabas ko ay naabutan ko sina Xenon at Sebastian sa loob ng aking kwarto. Tumayo si Xenon nang makita ako. Ngumiti siya. Ang puti niyang buhok ay nakaponytail kaya mistulang may maikli siyang buntot sa likod ng kanyang ulo. Ang ilang hibla nito ay nakabagsak sa gilid ng kanyang mukha. He looked so dashing wearing plain white shirt, faded jeans and boots.

"Hi, Xenon," maligayang bati ko sa kanya.

Ilang hakbang lang ang ginawa niya para makarating sa aking harapan. Niyakap niya ako.

"How are you, Flavia?" Dinig ko ang lungkot sa kanyang boses. Nanikip ang dibdib ko.

Masakit para sa 'king harapin ang mga kaibigan ko dahil alam kong sa huli, magpapaalam lang ako. Pero hindi ko naman magawang tumanggi. Ayokong magtanim ng sama ng loob sa 'kin si Xenon.

Tumawa ako ngunit kahit sa aking pandinig ay alam kong pilit lang ito. "I'm fine, Xenon. Why are you using that sad tone of yours? It's making me sad, too."

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon