L. For Eternity
"Faux, Flavia."
Kasabay ng aking paglakad ang pagmartsa ko patungo sa entablado. Sa wakas, natupad ko na din ang isa sa mga pangarap koㅡang makapagtapos sa pag-aaral. Nakangiti kong tinanggap ang aking diploma, nakipagkamay sa mga tao sa ibabaw ng entablado at muling bumaba pagkatapos.
"Flavia!"
Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang makita sina Zeeya, Lucy at Ashton. Si Zeeya at Lucy ay tumatakbo palapit sa 'kin. Dumamba sila at niyakap ako nang mahigpit. Si Ashton naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan kami.
Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa kabila ng nangyari, nandito pa rin sila bilang kaibigan ko. Nung panahon na pinabura ko ang alaala nila, nalaman ko kay Graysen na kabaligtaran pala no'n ang nangyari. Sabi ni Graysen sa 'kin, alam niyang 'yon ang gusto kong mangyari pero imbis na mabura ang alaala nila, ang ginawa pala ng bato ay ilagay sa isipan nila ang lahat ng tungkol sa 'kin. Ngayon, alam na nila ang lahat pero hindi naging hadlang 'yon para maiba ang turing nila sa 'kin.
"Congrats, Flavia!" Ngumisi si Zeeya. Inabutan niya ako ng isang paperbag. "Regalo ko sa 'yo."
Napatawa ako. "Naks! Asensado ka na talaga!" biro ko. Nauna silang gumraduate sa 'kin kaya naman may mga trabaho na sila ngayon.
"Hay, nako. Ang kuripot kaya ni Zeeya! Ikaw lang pinaggastusan nyan!" Hinampas siya ni Zeeya. "But anyways, ito nga pala ang regalo namin sa 'yo ni Ashton."
Inabot niya sa 'kin ang isang malaking box ng regalo. Medyo may kabigatan ito. Ano kaya ang laman nito?
"Salamat sa inyo."
"Teka, nasaan na sila?" tanong ni Zeeya.
Nagkibit-balikat ako. Kanina ko pa sila hinahanap pero hindi pa sila dumadating. Akala ko pa naman makakaattend sila sa graduation ko kahit coronation ngayon. Nakakalungkot naman na wala sila dito.
Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ako dapat malungkot. Babalik naman ako sa kabilang mundo pagkatapos nito. Hindi na rin naman ako pwedeng magtagal dito. Nagawa ko lang makapag-aral ulit nang hindi nauubusan ng life force gamit ang pagbalik sa kabilang mundo.
"Siguro hindi na sila makakarating."
"Ano'ng balak mo pagkatapos? Gusto mo bang kumain muna tayo?" tanong ni Lucy.
Umiling ako. "Babalik lang ako saglit sa bahay tapos pupunta na 'ko sa kabilang mundo. Babalik din ako kapag may pagkakataon."
May mga trabaho kasi sila ngayon na hindi nila pwedeng iwanan nang matagal kaya hindi kami makakapagcelebrate nang magkakasama pero ayos lang naman 'yon dahil makakabalik pa naman ako dito kahit anong oras.
Tatlong taon na ang nakalipas simula nung nangyari ang insidente sa puno. Matapos ang lahat, namuhay na kaming mapayapa. Hindi na kami nangangamba na mawalan ng kapangyarihan ang puno.
Kasalukuyang nakakulong si Eureka sa highest tower. Para siyang nawalan ng kaluluwa. Hindi na rin siya makapagsalita at para bang hindi na niya kami kilala.
Sina Haring Vlad at Reyna Selena naman ay nabigyan ng maayos na libing. Kahit na malaki ang nagawa nilang kasalanan, nirerespeto pa rin sila ng buong clan ng bampira.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na dalawang mundo na ang pwede kong kabilangan. Noon, akala ko isinusuka ako ng mundo dahil sa masasamang nangyayari sa 'kin. Akala ko hindi na ako mabibilang sa kung saan. Akala ko wala akong karapatang mabuhay. Pero sa lahat ng nangyari sa 'kin, napatunayan ko na hindi masamang maghintay. Hindi masamang umasa na magiging maayos din ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampiros{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
