I. Sleepwalker

92.7K 2.1K 133
                                    

The Somnambulist

I.  Sleepwalker

Wala ako sa aking sarili habang naglalakad sa hallway ng aking eskwelahan. Pinagtitinginan ako ng bawat estudyanteng dinadaanan ko. Panay ang bulungan nila at susundan ng mga nakakainsultong hagikhikan. Marahas na lamang akong napabuga ng hininga. Kailan pa ba ako masasanay sa ganito? Lahat ng tingin nila sa akin ay isa akong 'weird' at 'nakakatakot' na nilalang. Wala akong ni isang kaibigan at wala ding nagtatangkang lumapit sa akin. Kung may lalapit man sa akin ay para lang insultohin ako o kaya ay para i-bully ako.

Hindi ko namalayan na napaupo na lang ako sa sahig ng hallway dahil sa may biglang bumunggo sa akin. Narinig ko naman ang malakas nilang tawanan.

"Sorry, Flavia! Hindi kita nakita! Akala ko basura ka lang na nakakalat sa daan, eh." at sinabayan pa niya ng malakas na halakhak.

Pinagpagan ko ang aking sarili at hindi na lamang siya pinansin. Wala din naman akong mapapala kapag pinansin ko pa ang katulad niyang walang magawa sa buhay.

"Gloomy as ever!" sabi naman ng isa sa mga maaarte kong kaklase. "Why don't you just quit? Hindi ka nababagay sa eskwelahang ito, freak! Somnambulist, they say? Pinasosyal lang pero weirdo ka lang talaga!"

Nagsimula na naman silang magtawanan na para bang nanonood sila ng isang nakakatawang palabas.

Gaya ng ginawa ko kanina, hindi ko na lang sila pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na para bang walang nangyari. Palagi namang nangyayari ito kaya nasanay na din ako.

Pumasok na ako sa loob ng aking classroom at pinili na lamang na magbasa ng libro. Natuon naman ang atensyon ko sa isang salita na nakalathala sa isang pahina ng librong aking binabasa.

"Somnambulist." bulong ko sa aking sarili. "The person who walks while sleeping." muli akong napabuntong-hininga.

Isa akong somnambulist o mas madaling sabihin na isa akong sleepwalker. Bata pa lamang ako ay lumalakad na ako habang tulog pero mas lumala ito nang tumungtong ako sa edad na labing walo. Kung dati ay nakakabalik pa ako sa sarili kong kwarto, ngayon ay hindi na. Gumigising ako sa bunganga ng kagubatan malapit dito sa aming bayan.

Nakatira kasi ako sa isang probinsya. Maliit lang ang aming bayan ngunit may isang paaralan na pang-kolehiyo at doon ako ngayon pumapasok. Ang bahay na aking tinitirahan ay malapit lamang sa kagubatan na madalas kong pinupuntahan kapag tulog ako.

Wala na din akong mga magulang. Mag-isa ako ngayong nakatira sa bahay na iniwan nila para sa akin. Nabubuhay ko ang sarili ko sa pagkakaroon ng part-time job dito sa bayan pagkatapos ng klase.

Napahikab na lamang ako at sumubsob sa aking lamesa. Antok na antok pa ako. Nagtataka nga ako na kinakaya ko pang mag-aral kahit na ganito ang kondisyon ko. Palagi akong inaantok sa klase at halos hindi ko na maintindihan pa ang sinasabi ng aking mga propesor kapag nagtuturo sila. Mabuti na lang matiyaga akong mag-review.

"Good morning, class!" napatunghay ako at sinalubong ako ng napakaliwanag na ngiti ni Sir. Ralph. "Mukhang antok na antok pa kayo, ah?" nakangiti pa ring sabi niya at saktong nagtama ang aming mga mata. Muli siyang ngumiti at nagmistulang pati ang mga mata niya ay nakangiti na din.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana para pakalmahin ang aking sarili. Inaamin kong hinahangaan ko si Sir. Ralph dahil sa galing niyang magturo at sa pagiging mabait niya sa kanyang estudyante. Palatawa din siya at hindi ka maiinip kapag nagtuturo siya. At isa pa, napakakisig niya. Dalawampu't-apat na taong gulang na siya pero mukhang kasing edad lang namin siya.

Natapos ang dalawang oras niyang klase sa English at nagsimula nang magsilabasan ang aking mga kaklase para sa maikling break. Naiwan naman akong mag-isa sa loob ng classroom. Wala din naman akong makakasama kung lalabas ako at isa pa, mas gusto ko ding mag-isa.

The SomnambulistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon