XXVIX. Runaway Heir

13.1K 455 16
                                        

XXVIX. Runaway Heir

Kahit kalian hindi ako nakaranas ng matinding kaba. Noong panahong nabubully ako sa eskwelahan, hindi na ako kinakabahan kung ano'ng sunod na pagpapahirap ang gagawin nila sa 'kin. Kahit kapag kukunin ko na ang aking grade, hindi din ako kinakabahan, hindi katulad ng iba kong kaklase na hindi mapakali. Pero ngayon ay nag-iba. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Kaharap ko ang matataas na opisyal sa palasyo maging ang Hari't Reyna. Pakiramdam ko ay hindi ako dapat nandito kahit na mukhang balewala lang sa kanila na kasama nila ako sa pagpupulong.

Naramdaman ko ang malamig na palad ni Nicolai na nakapatong sa aking kamay. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa 'kin.

"Are you okay?" bulong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman. Medyo kinakabahan lang."

"'Wag kang masyadong kabahan. Mag-uusap lang naman kami dito."

Oo, mag-uusap nga lang sila pero alam kong seryoso ang pag-uusapan nila. Malalaman ko na kung ano bang problema at mukhang may panganib na dadating. Sa ikinikilos pa lang ng kawal sa buong palasyo, alam ko ng may hindi magandang nangyayari.

"Simulan na natin ang pagpupulong," anunsyo ni Haring Vlad. "Sino ang gustong manguna?"

Nagtaas ang isang opisyal. Kulay abo ang kanyang buhok. Bakas sa mukha niya na isa siyang bampira na matagal ng nabubuhay. Seryoso ang ekspresyon niya. Tingin pa lang ay malalaman mo na kaagad na may mataas siyang katayuan sa palasyo.

"Yes, Officer Twain," ani Haring Vlad.

"May posibilidad bang buhay pa si Prinsipe Klaus?"

Napalunok ako. Sinulyapan ko si Nicolai ngunit walang emosyon na makikita sa kanyang mukha. Si Haring Vlad naman ay mukhang nagulat sa itinanong ni Officer Twain. Si Haring Selena ay umiwas ng tingin. May lungkot sa kanyang mukha.

Nagbulungan ang ibang mga opisyal. Binilang ko silang lahat. May labing limang opisyal na nandito ngayon sa bulwagan. Sa aking palagay ay may sari-sarili din silang trabaho na ginagawa pero mostly ay para maprotektahan ang Royal Family.

Lumipas pa ang ilang minuto bago nakasagot si Haring Vlad. "Iyon ang aking hinala sa ngayon. Wala namang ibang nilalang ang maglalakas-loob na bantaan ang palasyo kundi siya lamang. Matapang si Klaus. Alam ko din ang galit na meron siya tungo sa amin. Kung sakaling buhay pa nga siya, wala ng iba pang magbabanata sa atin kundi siya lang."

"Bakit magagalit sa atin si Kuya Klaus? Bakit hindi niyo sabihin sa 'kin kung ano ba talaga ang nangyari noon at kung bakit bigla siyang nawala?"

Mas lalong humigpit ang pagkakahawa ni Nicolai sa aking kamay. Ipinatong ko ang isa kong kamay sa kanya. Nanginginig siya. Habang natagal ay lumalaki ang tensyon dito sa loob ng bulwagan.

Tumingin sa kanya si Haring Vlad. "Hindi namin sinabi sa 'yo dahil ayaw na naming mag-isip ka pa tungkol sa iyong kapatid."

"Hindi 'yan ang gusto kong makuha mula sa 'yo, Ama. Ano'ng ginawa ko noon na siyang naging dahilan upang umalis si Kuya Klaus dito sa palasyo? Ano'ng ginawa niyo para magalit siya sa inyo?"

"Anak, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan 'yan. Madami pang mahahalagang bagay ang dapat nating—"

Hindi na pinatapos ni Nicolai si Reyna Selena sa pagsasalita. "Bullshit! Ano pang silbi ng pagpupulong na 'to kung wala kayong balak sabihin sa 'kin ang lahat?"

"Nicolai! Watch your words! Ang iyong ina ang kausap mo!"

Masamang tumingin si Nicolai kay Haring Vlad. "I want to know everything. If you don't, I'll gonna stay back and watch everything turned into ashes."

The SomnambulistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon