XVII. I Still Don't Know

18.2K 598 14
                                        

XVII. I Still Don't Know

Time and feelings coincide with one another and so are other things. As time passes by, your feelings towards your surroundings, the person that surrounds you and the things that you have changes. It may grow or it may stop. It may take you anywhere or it may destroy you on the spot. It may change you as who you are whether you became worst or better. Time is an important but at the same time perilous thing that we have. Time can control you but you can't control time.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakahalumbaba sa bintana at nakatingin sa labas kung saan punong-puno ng iba't-ibang magagandang ilaw ang buong bayan ng mga warlock. Dahil wala akong magawa, kung ano-ano ang aking naiisip pero ang pinakadahilan kung bakit ko naisip ang bagay tungkol sa oras ay si Nicolai. Simula nang sabihin niyang mahal niya ako, malaki ang nagbago. Masungit pa rin siya katulad ng dati pero maalagain na siya lalo ngayon kahit na palagi pa rin niya akong binibigyan ng headchop. Kulang na lang itali niya ako sa tabi niya para hindi kami magkahiwalay.

Masaya ako dahil may nararamdaman siya para sa akin at nagpapasalamat din ako. Pero ayaw kong may nararamdaman siya para sa'kin. Mawawala din ako pagdating ng tamang panahon. Hindi rin kami magkakasama. Ayokong masaktan siya dahil doon. Ayokong iwan siya. Kapag tinanggap ko ang nararamdaman niya, natatakot ako na baka mahulog ako sa kanya ng sobra.

Kaya lang naman ako sumama sa kanya dito ay para isakripisyo ang walang kwenta kong buhay sa mundo nila. Sa ganoong paraan, baka kahit kaunti ay maramdaman kong importante ako. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magkakaroon ng ugnayan sa mga nilalang dito para hindi mahirap para sa akin ang iwanan sila.

Simula nang mawala sina Mama at Papa, napakadali na para sa akin ang mag-isip na itapon na lang ang buhay ko. Napakadali para sa akin na sabihin na "Magpakamatay na lang kaya ako?". O kaya naman "Anong magandang paraan para kitilin ang buhay ko?". Pero hindi ko ginawa dahil kapag nawala ako, sinong mag-aalaga ng bahay na tinaguyod nina Mama at Papa na magkasama?

Napakadaming beses ko nang naisip na sumuko pero hindi ko ginagawa.

Natawa na lang ako sa sarili ko. Ako 'yong tipong gusto laging mamatay pero nandito pa rin ako, humihinga. Hindi ko alam kung takot akong mamatay o may parte sa'kin na gusto ko pang mabuhay.

Naputol ang aking pag-iisip nang may kumatok sa pinto.

"Bukas 'yan." sagot ko.

Pumasok sa loob si Graysen na may dalang dalawang baso ng inumin. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Iniabot niya ang baso para sa akin at umupo sa aking tabi.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?" nakangiting tanong niya.

Nag-rereflect sa kanyang mga mata ang ilaw na nanggagaling sa labas. Pinagmasdan ko siya habang nakatuon ang atensyon niya sa labas ng bintana. May maliit na ngiti sa kanya labi. Manipis at mapula ang kanyang labi na bahagyang nakanguso na para bang natural na ito. Napansin ko din ang maliit na nunal sa kanang bahagi sa ibaba ng kanyang labi. Dahil nakasideview siya, mas lalong na-emphasize ang matangos niyang ilong. May iilang freckles sa kanyang cheekbones pero hindi gaanong madami na bumagay sa kanya. Ang nakatirik na itim niyang buhok ay mukhang napakalambot kahit na may inilagay siya doon para tumirik ang unahan nito.

"Done fantasizing my gorgeousness?" nakangising tanong niya.

Napaiwas naman ako ng tingin. "S-Sorry." paghingi ko ng paumanhin. Hindi ko na itatanggi ang ginawa ko dahil totoo namang masyado akong nahulog sa kagwapuhan niya.

He chuckled. "About my question earlier, what are you thinking about? You looked bothered."

Muli akong humalumbaba at bumuntong-hininga. "It's about Nicolai."

The SomnambulistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon