Chapter 2
Jillian’s POV
Thank goodness nagvibrate ang phone ko. Dahil kung hindi baka bigla na lang akong nag-evaporate kanina. Ghad! Bakit ba bigla bigla siyang bumabanat ng ganoon? This guy’s too sweet.
Third Montes
2 days pa lang gusto ko ng umuwi. Miss ko na kaepalan niyo, guys.
--
Isang madramang text mula kay Third. Kaso lang hindi ako makareply, international text kasi, eh. Nasa Italy na kasi siya, doon na siya titira kasama ng mga kapatid at parents niya.
Nakakalungkot lang kasi buwag na ang Extra Rice. Kaming 3 na lang nina Alec at Renz ang natitira.
“Sino ‘yun?” tanong sa akin ni Cyrus habang pinagmamasdan ako.
“Si Gaskarth,” masayang wika ko.
His forehead creased. “Cut it, will you?”
Yumukos ang mukha ko. Huhu. Who you siya sa akin kapag nakita ko sa personal si Gaskarth.
“Psh! Si Third lang.”
“Ah okay,” saad niya tsaka hinigit 'yung phone ko. “Ang cute ko talaga dito,” komento niya. Eeww!
Inagaw ko sa kaniya yung phone. “Amin na nga iyan. Mapalitan ang wallpaper.”
“Tss. Subukan mo lang.”
“Kidding,” nakaderp na sagot ko.
Paano ba naman, ‘yung wallpaper ng cp naming dalawa pareho. Picture ‘yun nung bata pa kami. Ang chaka ko doon eh. Huhu.
“I wasn’t aware I was this cute,” mayabang na pahayag niya.
“Stop it, you braggart!” Hinampas ko siya sa balikat.
And as if on cue, umiyak si Cyril.
“Lagot ka! Sinasaktan mo kasi ako kaya umiyak tuloy siya,” paninisi sa akin ni Cyrus.
Lumapit kami sa bata. Napakaiyakin talaga nito, manang mana sa pinagmanahan. Ano na naman kayang iniiyak ng batang ‘to? Ang hirap naman nilang ispelengin. Hindi naman basa ang diaper, may gatas naman! Ang sakit sa braincells!
Kinuha siya ni Cy tsaka binigay sakin. Good thing, she stopped from hollering.
Kaso tofu lang eh, ayoko ngang binubuhat to. Nakakainitimidate kasi ang kaniyang ka-cutean.
“Don’t cry, baby. Yaya’s here,” sabi ni Cyrus habang nakatingin sa akin.