Chapter 11
Jillian's POV
Nakatayo lang ako dito habang pinagmamasdan siya.
"Cyrus?" pag-uulit ko. Teka andito ba talaga siya? Siya ba yan?
Hindi siya gumagalaw, nakatingin lang siya sa akin. Naiyak ako dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.
"Cyrus," I kept on repeating his name as if it's an addiction.
Kumunot yung noo niya. Tama, si Cryus nga yan. Totoo nga. Naramdaman ko naman na basa na yung mukha ko ng luha. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, may mga hikbi sa pagitan nito.
Hindi niya ako sinasagot at nakatitig lang siya sa akin. Kinakabahan ako sa kinikilos niya. Mas naiyak ako.
"Dahil ba sakin? Sorry na. Sorry na talaga. Hindi ko naman sinabing magpunta ka e. Sorry na. Sorry na," dire-diretso kong hayag. "Pasensiya na naabala pa kita. Galit ka ba? Sorry na Cyrus. Wag ka ng magalit sa akin. Sorry na tala . . ." Hindi na ako natapos sa pagsasalita ko. Naramdaman ko na lang na nakayakap na siya sa akin, hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. My face is now buried on his chest, I cried even more. "Sorry na. Galit ka ba sa akin? Sorry na." Hikbi ako ng hikbi. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad. I was struggling for my breath.
Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang kunot niyang noo. "Pasensiya ka na. Wag ka ng magalit sa akin. Dahil ba sa akin umuwi ka kaagad? Ang bopols ko talaga, dapat di na ako umiyak sa phone. Nakakainis talaga ako. Nakakainis ako!" Sasabunutan ko pa sana yung sarili ko pero hinawakan niya yung kamay ko para pigilan ako.
Tumawa siya. "No one's gonna hurt you, not even yourself. Okay?"
Tumango ako. "But . . ."
He silenced me.
"Stop babbling already. I wasn't mad, I was worried. So hush now, it's fine. You're worth the trouble." Pinawi niya ang lahat ng kaba ko.
Nanatili kaming ganoon ng ilan pang sandali. Pakiramdam ko lahat ng bigat na nararamdaman ko nawala na. Sa tabi niya, kapag yakap ko siya, kapag andito siya, para bang awtomatikong nagiging maayos ang lahat.
The silence was broken when he asked me. "Bakit ka ba kasi umiiyak?"
Not speaking. Not speaking. Sasabihin ko ba ang reason? Hindi pwede. Ayoko! Mag-isip ka Jillian. Reasons, please dumagsa kayo!
"E kasi . . ."
"Kasi?"
Alam kong stupid move iyon pero wala akong paki. "Ka . . . kasi yung binasa kong libro . . . namatay yung babae. Oo, 'yun nga 'yun. Namatay yung babae. Grabe! Nakakaiyak diba? Huhuhu."
"Ayun lang?" Nanlaki ang mga mata niya.
Lord, forgive meh!
"Oo. Nakakaiyak kaya yun. Ano ka ba. Mahal na mahal nung lalaki e tapos grabe talaga! Tragic! Aaah!!"
No doubt he thought it was a matter of life and death.
"Nakakainis ka. Yun lang pala 'yun!"
Nakonsensya tuloy ako. "Sorry ha. Napauwi ka pa tuloy. Pasensiya ka na . . . Sorry. Hindi ko na uulitin, pinag-aalala na naman ki . . ."
He hushed me again. "Ang mahalaga kasama kita. Wag mo na isipin 'yun. Mas okay ng alam ko na okay ka kaysa naman mabaliw ako dun kakaisip kung ano na ang nangyayari sayo."
"Hindi ka talaga galit sakin?"
"Kelan ba ako nagalit sayo?"
Umiling-iling na lang ako. Hinila ko siya papunta sa sala at naupo kami. Hindi ko maiwasang ngumiti, pero sa kabila nito ay kumikirot ang puso ko sa konsensya.