Chapter 27
Jillian’s POV
Gulp!
Exhale. Exhale. Exhale. Exhale. Exhale.
Halos makalimutan kong mag-inhale dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. Ano na naman to?
“Excuse me?” Cyrus cut the woman off.
Hinawakan ko yung kamay ni Cyrus. Hinarap ko yung mga babae. “HAHAHAHAHAHA! Mam, gag show ba to? Hahahaha.”
“No,” she answered seriously. “You’re the pregnant woman,” dagdag pa niya.
Geez! Tama na Lord, huhu.
“Mom, are you sure she’s that girl you’re talking about?” tanong ng anak niya yata.
“Yah, she looks completely like her.”
“I think this was just a mistake. That’s absurd! Hahaha, funny Mam, really,” sarcastic na sabi ko sa babaeng bumuko sa akin. “There are billions of people in this planet, it wouldn’t be impossible kung may kamukha ako or something. Baka nagkamali lang po kayo. And wala po akong asawa, hahaha,” hinigit ko si Cyrus. “Boyfriend meron, boyfriend na mas chicks pa sa girlfriend,” tsaka ko nginitian si Cyrus na nakangiwi lang sa akin. “Tsaka ako po buntis? Mam, I'm willing to do everything just to prove you that I’m not.”
Napakamot siya ng ulo niya. “Baka nga, sorry Miss ah, kamukha mo talaga siya.”
“Okay lang po yun, may nagsabi nga po sa akin kamukha ko daw si Seohyun ng SNSD ba ‘yun? Di naman ako naniniwala.”
“Feeler,” bulong nung isa sa tabi ko. Epal talaga nito forevz.
“Signs of aging Mom,” comment ng anak niya.
“I’m only 30 plus kid, wag kang bastos,” medyo pabiro lang yung pagkakasabi niya.
Aww, namiss ko tuloy si Mama.
Nagkibit balikat lang yung anak niya then nagpaalam na sila sa amin.
Nakalusot na naman ako, hanggang saan ako dadalhin ng mga kalokohan ko? Ilang tao na ba ang napagsisinungalingan ko? Sobrang nakokonsensya na ako. Bakit ba naging ganito ang lahat? Okay naman noon eh.
After they left, Cyrus handed me the ice cream. “Weird,” nakakunot noong sabi niya.
“Oo nga eh, haha. Grabe no? Ang cool ng joke niya. Hard, sakit sa tiyan,” pagbibiro ko pero deep inside sobra na yung guilt.
I bet my soul is now rotting in Bermuda Triangle.
Naglakad na kami palabas ng store at pinuntahan namin sina G. Pero habang palakad kami, natatakot na ako. What if someone would recognize me? Paano kung may lumapit na naman sa akin kagaya ng kanina? Mai-explain ko ba kay Cyrus ang lahat? Mahalata niya na kaya ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/3461601-288-k622490.jpg)