Chapter 33 Euphorically overdosed

15.5K 117 40
                                    

Chapter 33

Jillian’s POV

“Wake up now,” dinig kong tawag niya.

Namumugto pa ang mga mata ko at gusto ko pang matutulog. Ano bang pwede kong gawin para magising naman ako kahit papaano? Huhu. 

“Cyrus, ikutin mo nga TS,” wika ko, halos mabasag ang aking boses dahil dito. 

Yumukos ang kaniyang noo. “Huh?”

“I wanna sleep more. My eyes are too heavy, I can’t withstand them.” I said trying to sneak a nap but even before I drift away, he held my wrist. Hinatak niya ako patayo. “Why are you pulling me? Masakit!” reklamo ko. He stood at the car’s door and he stared at me.

Matapos kong magmatigas, meaning tinitigan ko lang din siya. Hinila niya ulit ako pero hindi ako pumapayag kaya nahihirapan siya.

“Why can’t I draw you away from there?”

Bipolar forevs.

“Gravity, Bear. It’s pulling me.”

“Enough now Isaac Newton possessed woman.”

Hindi niya na ako hinayaang magkaroon pa ng panahong makapagpaalam sa sinandalan ko at buong pwersa niya akong inilabas sa kotse niya. What an ill-bred man! I hate him!

“What’s with all these drama, Cyrus?” I asked him after standing beside him. Kasi naman kanina bago kami umalis ng Tagaytay, we’re more than fine. Ngayon tignan mo kung paano kumilos ang isang 'to. Mababaliw ako sa ugali ng isang ‘to. Bago din kami umuwi, pinauna niya na sina Mitch, ewan ko kung anong meron. Basta alam ko bipolar siya.

“You’re too loud,” reklamo niya. That wasn’t new.

Umalis siya sa tabi ko at nagpunta sa likod ng kotse niya. Wala akong magawa kung hindi ang panuorin siya at hintayin ang kaniyang susunod na galaw. 

Dahil masyado siyang matagal, lumayo ako ng kaunti. Hindi ko pinansin ang ginagawa niya at naupo ako sa may gutter. Patuloy ako sa paghikab. Pagod pa ako sa biyahe at sa dami ng ginawa namin.

Iniwan pa kami nina Mitch kanina, dumaan pa kasi kami ni Cyrus sa bulaluhan sa may Tagaytay. Sobrang lamig kasi kanina habang nasa biyahe kami nagpasya kami na kumain ng something na mainit. But instead na ang mga tiyan namin ang uminit, ang ulo ni Bear ang uminit. Ang tagal tagal kasi ng serving nila dun sa isang kainan doon. And knowing Cyrus being impatient, umalis na lang kami. Yeah, naghintay lang kami dun na hindi man lang nila nililigpit ‘yung pinagkainan nung last na kumain sa table. Poor quality service it is. Waste of time. At dahil dun, late na kaming nakauwi. And I bet dahil sa Bulalong ‘yun, masama pa rin ang loob niya. 

I snapped back when I saw him . . . wait! He’s holding a . . . what--a teddy bear?

Have You Seen This Girl 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon